▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
M:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
“ Ano mas maganda? Eto o eto? ” Inilatag ni Lovely ang dalawang damit sa kaniyang higaan. Kasama niya si Monic na pumipili ng susuotin niya.
Kinuha ni Monic ang isang damit. Kulay dilaw na may vertical stripe na kulay pink. “ Feeling ‘ko mas maganda ‘to ”
“ Sige sige. Susuotin ‘ko lang. ” Malumanay na sabi ni Lovely.
Lumabas si Monic sa kuwarto ni Lovely nang suotin nito ang damit. “ Pasok ka na ” Sigaw ni Lovely.
“ Wow! Bumagay sa’yo! Promise. ” Ngumiti si Lovely. “ Okay lang ba na make upan mo din ako? ”
“ Ha? Hindi ako marunong.” Agad na pagtanggi ni Monic.
Nagmakaawa si Lovely. “ Please? ”
Walang nagawa si Monic. Kinuha ni Lovely sa ataol niya ang mga nakatambak na make up. “ Hindi kaya expired na yan?”
“ Ewan? Hayaan mo na, edi kapag nangurikong mukha ‘ko. Ibig sabihin, expired. ” Tumawa ang dalawa. Inayusan ni Monic si Lovely kahit hindi ito marunong. Tabingi ang eye brows, mas mapula ang isang pisngi. Lagpas ang lips stick. Magkaiba ang kulay ng eye shadow.
Humarap si Lovely sa salamin. “ WOW! Ang ganda ‘ko! ”
Nanglaki ang mga mata ni Monic. “ Ha? Sure ka? Nako! Mukhang tabingi yung eye brows! ” Pag-aalala ni Monic.
“ Hindi. Uso yan. ” Sagot ni Lovely.
“ Yung lipstick mo lagpas. ” Pupunasan sana ni Monic ang lagpas na lipstick pero pinigilan siya ni Lovely.
“ Okay lang yan. Mabubura din yan mamaya. ”
“ Yung pisngi mo. Mas mapula ata yung kabila. ”
Umiling ulit si Lovely. “ Hindi ah. Sakto lang ‘yan.”
Hindi na kumontra si Monic. Lumakad na ang dalawa. Sumakay ng jeep. Maraming nakatingin kay Lovely. Nakangiti naman ito. Natutuwa. Akala niya nagagandahan sa kaniya ang mga tao kaya nakatingin ang mga ito.
Nakarating na sila sa SM Manila. Sa Chowking ay nakaupo na ang lalaking nakapolong pula at naghihintay. Nangunot ang noo ni Monic.
Bumulong si Monic. “ Si Arwin ba ‘yan? Nag-iba ang itsura niya. ”
Pipigilan sana ni Monic si Lovely. “ Teka Lov-- ” Agad itong tumakbo papalapit kay Arwin. Nang makalayo si Lovely. May kumaladkad sa kamay ni Monic. “ Tek—Arwin?! ”
“ Ssshh! ” Agad na takip nito ng bibig ni Monic. “ Anong sssh!!! ” Sinipa ni Monic si Arwin. “ Aray! ”
“ Sira ulo ‘ka! Sinong kadate ni Lovely?! ”
“ Si Arwin! ”
Nangunot ang noo ni Monic. “ Si Arwin? Ikaw si Arwin, tanga ‘ka ba?! ”
“ Si Arwin nga ‘yon. Yung isang Arwin na kaklase niya! ”
BINABASA MO ANG
The Love of Blamed Psycho
Mystery / ThrillerMagmamahal ka pa ba kung ang tingin na nila sa iyo ay isang baliw?