S2: K

74 2 0
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

                                                        Season 2: K

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Umaga. Kagigising lang ni Arwin. Agad niyang tinignan ang kama ni Monic. Wala na ito sa higaan niya. “ Monic? ” Bumangon si Arwin. Lumabas sa kuwarto nila.

Nagising si Leiz. Napabangon ito kasabay nang pagbangon ni Lovely. Napaharap si Leiz kay Lovely. Sakto namang humikab si Lovely sa tapat ng mukha ni Leiz.

“  Tang! “ Tumakbo si Leiz palabas ng kuwarto habang tinatakpan ang ilong at pinipigilang magsuka.

“ Ang..yare..dyon? ” Sabi ni Lovely na kumakamot-kamot sa sabog niyang buhok. Puno ng laway ang pisngi. May muta-muta pa.

Inilagay ni Lovely ang palad niya sa tapat ng bibig niya sabay huminga para maamoy ang kanyang hininga. “ Putcha. ” Tumakbo din si Lovely palabas ng pintuan.

“ Wala po siya sa kama niya. Hindi niyo ba talaga nakita si Monic? ” Hindi pinapansin si Arwin ng tatlong Ale na busy sa almusal nila.

“ Kumain ka nalang muna. Baka naglakad-lakad lang ‘yon. ” Inabutan ni Aling Bangbang si Arwin ng tinapay.

“ Ayoko, wala akong gana. ” Nilayasan ni Arwin ang tatlong Ale. Pumunta ulit ito sa kuwarto nila. Sakto namang papalabas si Lovely sa kuwarto niya. Magsasalita pa lang ito nang iiwas ni Arwin ang ilong niya. Hindi na pinansin ni Lovely si Arwin.

“ Monic! ” Hinalughog ni Arwin ang buong kwarto. Tinignan niya kung nasa cabinet pa ang mga damit ni Monic, nandoon pa. Tinignan niya kung nandoon ang tsinelas ni Monic, nandoon pa. Tinignan niya kung nandoon pa ang sapatos ni Monic, wala na.

“ Monic!! ” Napahawak si Arwin sa ulo niya na natataranta. Alam niyang malayo ang aabutin ni Monic kaya sapatos ang sinuot nito at hindi tsinelas.

Nagmamadaling lumabas si Arwin papunta kina Aling Bangbang. “ Wala yung sapatos ni Monic! ”

Sumagot si Aling Poring. “ Baka nag-jogging? ” Napapikit lang si Arwin sa panandaliang segundo.

Nagmadali siyang maglakad papalayo kina Aling Poring. “ Teka san ka pupunta?! ”

Kinausap ni Arwin ang guard sa gate ng resort. “ Nakita niyo po ba si Monic? Yung may-ari ng resort na ‘to? Mas maliit sa sakin. Maputi. Brown yung buhok. Bilugan yung mata. Matangos ang ilong. Nakita niyo ba? ”

“ Nako wala pang lumalabas ng gate sir maliban nalang yung van kanina. ” Nanlaki ang mata ni Arwin. “ Van? Saan? Yung sinakyan namin papunta dito? ”

“ Yes sir. ”

Mas nataranta si Arwin. “ Kailan umalis? San daw pumunta? ” Magsasalita pa lang si Manong guard nang dumating ang van na tinutukoy ni Arwin. Agad na lumapit sa van si Arwin. Binuksan ang pintuan nang tumigil ito. “ Monic! ” Hinanap ni Arwin si Monic pero wala ito.

Lumabas ang drayber. “ Ay sir wala mo si Monic. Nagpahatid po kanina. Uuwi daw ng bahay niyo, may kukunin lang. ”

“ Ano?! ” Nagmadaling sumakay si Arwin. “ Ihatid mo ‘ko sa bahay dali! ”

“ Ha? Tek-- ”

“ Sige na Manong. Please lang. ” Nag-aalala si Arwin.

“ Sir naman oh, hindi pa sumabay kanina. ” Napakamot nalang ng ulo si Manong drayber. Wala itong nagawa.

***

Hindi pa man humihinto ang van, bumaba na agad si Arwin para tumakbo. Tumakbo ito at nagmadaling buksan ang pintuan ng bahay nila Monic. Nakalock. Pinilit buksan ang door knob pero hindi niya ito nabuksan. “ Monic! ”

Tumakbo si Arwin papunta sa boarding house nila pero hindi niya din nabuksan ang bahay ni Aling Bangbang.

Sa sandaling pagkakataon, napatigil ito sa pagkilos niya. Doon niya lang naisip na baka nasa sementeryo si Monic.

Tumakbo si Arwin papasok ng van. Agad niyang iniutos kay manong drayber na ihatid siya sa sementeryo.

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CLICK S2: L TO CONTINUE:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

The Love of Blamed PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon