D

293 7 3
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

                                                                D:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Dahan-dahang pumasok sina Monic at Arwin sa kanilang silid paaralan. Nagtuturo na ang babai nilang guro, mataba, nakasalamin, mahilig sa dilaw, makapal ang make up. Para silang mga dagang nag-iingat na mahuli ng pusa.

Napatingin sa kanila ang guro nila. “ Miss Tino! ” Sigaw nito. Agad na napanguso si Monic. “ Hala?! Ba’t ako lang?! ”

Agad na umupo si Arwin. Napahawak ng bewang ang guro nila. “ At bakit hindi ikaw?! Aberrrr?! ” Napakagat ng labi si Monic sa sobrang banas. Inilapag niya ang bag niya sa upuan, katabi ni Arwin. Napapangisi lang si Arwin.

“ Bakit late ka na naman ha?! ” Sigaw ng guro nila. “ Eh kasi po si Loleng trip na naman ako! ”

“ At sinisi mo pa ang ate mo?! Bakit ba ang sama-sama mo kay Lovely? E kay bait-bait  naman ng batang ‘yon? ” Hindi umimik si Monic.

“ Sige! Tutal naman nagmamarunong ‘ ka-- ” Napakunot ng noo si Monic “ Ikaw na ang magturo dito sa harap! ” Mas kumunot ang noo ni Monic. 

“ Ha?! Papaanong nagmamarun--- ”

“ Hep hep! Ikaw ba magtuturo o magtuturo? ” Tumaas ang kanang kilay ni Monic.

Bumulong ito. “ Nababaliw na naman ‘tong teacher na ‘to. ”

Nagpunta sa harapan si Monic. Gumilid sa pintuan ang teacher nito, nakatingala, nakatiklop ang kamay na kalebelo ng kaniyang dibdib na katapat ng butones na gusto nang kumawala.

“ Okay. Good morning everyone! ” Napahinto si Monic. Napatingin sa teacher niya. Tinaasan lang siya ng kilay nito at napapouty lips.

Bumulong muli si Monic. “ Mukhang butanding. ”

Nagpatuloy si Monic. “ Ididiskas ko nalang yung assignment natin, about sa inspirational story. Alam niyo ba yung The hard working man? Yun yung lalaking masipag. Ang dami niyang kamalasan sa buhay. Nasunugan. Natanggalan ng trabaho. Iniwan ng jowa. At namulot ng pagkain sa basurahan. ” Napahinto si Monic.

Nagpatuloy siya. ” Hindi siya nag give up, bukod sa jowa niyang sumama na sa iba. Nag focus siya sa buhay niya. Naghanap siya ng trabaho. Namasukan siyang drayber. Duon na rin siya nakitira sa amo niya. Kapag hindi siya nagsusundo at naghahatid, nagpipinta siya. Tsaka niya ibinebenta sa isang painting shop. Isang araw, nagustohan ng Australian ang painting niya. Binili yung gawa niya at ipidinala siya sa U.S.  Doon niya nakasabayan ang iba pang beteranong pintor . Isa na siya ngayong sikat na artist. Siya si Juanito dela Cruza “

                “ Wow! Siya pala yun! -- ”

                “ Oo! Nabalita siya sa channel 5! -- ”

                “ Ang galing! Yun pala yung buong kuwento. San mo naman nabasa ‘yan? -- ”

Sumingit sa usapan si Arwin. “ Alam niyo naman yan si Monic. Mahilig ‘yan magbasa-basa  ”

                “ Ahh..  -- ”

Pinaupo si Monic ng teacher niya. Magtuturo pa sana ito ngunit tumunog na ang bell nila. Excited na naglabasan ang lahat ng estudyante. Dumiretso sina Arwin at Monic sa labas ng canteen nila, kung saan umupo sila sa halamanan na katabi ng dancing hall. 

“ Himala walang nagpa-praktis ng sayaw! ” Sabi ni Monic.

“ Oo nga eh. Teka, may pagkain pala ‘ko dito. Ang dami na namang binigay nung mga babai kanina. Oh baka gusto mo. ” Dumukot si Arwin sa bag niya. Isang malaking piattos. Dumukot ulit ‘to. Isa pang malaking piattos. Dumukot na naman ito. Isang malaking nova. Dumukot ulit. Isang malaking tobleron at kitkat. Dumukot na naman. “ Ayy wala na pala. ”

Tuwang-tuwa si Monic. “ Ang dami naman! ” Sabi nito habang binubuksan isa-isa ang piattos, nova, tobleron at kitkat.

Biglang nagbago ang timpla ni Monic. “ Teka! Bakit mo naman binibigay sakin ‘to? Baka naman expired na ‘to! ” Hinanap ni Monic ang expiration date sa hawak niyang Kitkat.

“ Anong expired! Eh di kung ayaw mo, di wag! ” Aagawin sana ni Arwin ang hawak na Kitkat ni Monic ngunit agad itong iniilag ni Monic. “ Joke lang! Teka, may pang bara ka pero wala kang panulak! Asaan ang tunay na pagkakaibigan diyan? ”

“ Ako na nga nagprovide nang pangbara! Ako pa pati panulak?! Baka puwede namang ikaw ! ”

Ngumuso si Monic. “ Okay. Kung ayaw mo edi wag. Kapag ako nabilaukan, mumultohin nalang kita. ”

“ Kapag nabilaukan, patay agad?! Hindi ba puwedeng confine muna?! ” Litanya ni Arwin.

                “ Siya ba si Arwin? -- ”

Napatingin sina Monic at Arwin sa grupo ng  kababaihang bitbit ang mga pagkain nito.  Kinausap ito ni Monic. “ Oo siya si Arwin. Pahingi daw ng juice niyo. ” “ HUY! ” Agad na saway ni Arwin.

                “ Ah eto. Sa’yo nalang. Hindi ko pa nabubuksan yan. -- ” Nagpacute ang babai.

                “ Wag na. Diba sabi mo uhaw kana? Sige, eto nalang Arwin. -- ” Inabot ng isa ang juice niya.

                “ Mas masarap flavor nito. Eto nalang. -- ” Nag-abot din ang isa.

Nahiya si Arwin. “ Nako, wag na. Pasensya na kayo. Eto kasing bestfriend ‘ko nababaliw na naman. Sige, sa inyo na ‘yang juice niyo. Hehe. ” Sabay-sabay na tumaas ang kilay ng mga kababaihan. Poker face. Nagmadali si Arwin upang umalis. 

Sapilitang hinigit ang kamay ni Monic. “ Halika na nga! Ibibili kita ng juice! ”

“ Teka pano ‘tong piattos? Sayang! ” Pinipigilan ni Monic si Arwin sa paghigit nito habang nakatingin sa mga chichirya sa lapag. 

“ Wag na! Ibibili na lang kita ulit! ”  Walang nagawa si Monic. Bumulong nalang ito. “ Sayang naman. Juice ‘ko po. ”

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CLICK E TO CONTINUE:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

The Love of Blamed PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon