▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
L:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
Umuulan. Sinasalok ni Monic ang mainit na nilagang baka sa malaking bowl. Napatingin siya sa orasan. Mag-aalas otso na ng gabi.
“ Tita kain na po! ” Lumabas si Poring sa kaniyang kuwarto. Tinawag niya si Lovely. “ Anak kain na. ”
Lumabas si Lovely sa kaniyang kuwarto. Bakat pa rin ang black eye nito ngunit ayos na ang buhok.
Umupo si Monic. Nagsandok ng kanin mula sa malaking plato. Hindi sila nag-iimikan ni Lovely. Ilang minuto pa ang lumipas nang matapos kumain si Poring. “ Oh, Lovely. Ikaw ang maghugas. ” Tumayo ito at iniwan ang dalawa. Nilisikan ni Lovely ng mata si Monic. Hindi ito pinapansin ni Monic.
Kukuha pa sana ng ulam si Monic nang ilayo ito ni Lovely. Napatingin si Monic kay Lovely.
“ Ano na naman bang problema mo? ” Walang ganang sabi ni Monic.
Napa-pameywang si Lovely. “ Ikaw ba, may gusto kay Arwin? ” Napataas ng kanang kilay si Monic.
“ Ba’t naman ako magkakagusto kay Arwin? ” Sumubo si Monic.
“ Kung ganon, magset ka ng date namin! ” Nabilaukan si Monic.
Pinunasan ni Monic ang labi niya at inilapag ang kaniyang kutsara. “ Ba’t ‘ko naman gagawin ‘yon?! ”
“ Kapag pumayag ‘ka. Hindi na kita aawayin. ” Nagkatitigan ang dalawa. Nakangiti si Lovely. Poker face si Monic.
Si Lovely ang naghugas ng plato. Dali-dali niyang pinaakyat si Monic sa kuwarto nito para i-chat sa facebook si Arwin.
Binuksan ni Monic ang laptop niya. Sumandal ito sa dulo ng kama niya. Chinat niya si Arwin.
To: Arwin Pino
Walang hiya ‘ka!
From: Arwin Pino
HAHAHA! Sorry na! Nabanas kasi ako sa kaniya kanina kaya chinat ‘ko siya. HAHAHA! Oh sige ganito nalang. Lilibre nalang kita ng pagkain o kaya kahit anong gusto mo. Ano okay ka ba don?
To: Arwin Pino
Makipag blind date ka kay Loleng.
From: Arwin Pino
WHAT?! Ano ba yan bespren?! Papatayin mo ba ko? Nako naman, bakit hindi mo nalang ihiling na magbigti ako? Mas madali pa yon!
Natawa si Monic sa sinabi ni Arwin.
To: Arwin Pino
Bahala ka! Break na tayo!
From: Arwin Pino
Break? E hindi naman kita girlfriend eh!
To: Arwin Pino
Sabi ko, break na tayo sa pagiging best friend! Bahala ka na sa buhay mo!
From: Arwin Pino
Arrg! Sige na sige na! Kailan ba yan?!
To: Arwin Pino
Yeheyyy!!! Bukas! Pagkatapos ng klase! Thank youuu!! Mwa mwa mwa!
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
CLICK M TO CONTINUE:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
BINABASA MO ANG
The Love of Blamed Psycho
Mystery / ThrillerMagmamahal ka pa ba kung ang tingin na nila sa iyo ay isang baliw?