Q

165 5 0
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

                                                                Q:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂ 

“ Palagi ka nalang nagsesearch tungkol diyan ” Saway ni Arwin kay Monic na kanina pa naglalaptop.

“ Eh curious nga kasi ako. Ikaw ba? Hindi ka ba naeengganyo kung paano mag-isip ang mga baliw? ”

Pumindot si Monic sa laptop niya. Lumabas ang isang article tungkol sa mga kadahilanan nang pagkabaliw ng isang tao.

“ Ba’t naman ako macu-curious sa kanila? May kaintere-interesado ba sa kanila? ”  Sumandal si Arwin sa silya niya. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa upuan ni Monic na katabi lang niya.

Sumagot si Monic. “ Oo! Hindi ka ba nagtataka kung bakit sila tumatawa? Kung bakit nasisiraan sila ng isip? ”

Nangunot ang noo ni Arwin. “ E malay mo nasasapian sila. O kaya naman nagbibiro lang. ”

“ Tongak! Papanong magbibiro? Sinong taong gagawa ng paraan para pagbintangan siyang baliw? Tsk tsk. ”

Nilapit ni Arwin ang mukha niya sa laptop ni Monic. “ Ano ba harang ka eh! ” Hindi siya pinansin ni Arwin. Patuloy si Arwin para basahin ang binabasa ni Monic. “ Psychopath? Ibig sabihin maraming klase ng baliw? O term ‘yon? ”

“ Oo marami, hindi ako sure kung yung term nga ba. Nagtataka lang kasi ako sa mga napapanood ko. May taong may schizophrenia, tapos yung isa psychopath naman. Yung isa naman psychotic. Ewan. Kaya nga naguguluhan ako. ”

“ E bakit kasi sinesearch mo pa yan? ” Iritang sabi ni Arwin.

“ E kasi nga, yung Tito ko. Nabaliw siya nang dahil lang sa stress. Nagtataka lang ako kung paano. Pwede ba yon?  ”

“ Alam mo, maraming nagagawa ang stress. Kaya niya nga din kontrolin ang emosyon ng tao. Kaya niya ding magdesisyon. Parang, kung halimbawa gusto niya nang magpakamatay o kumain nang kumain o uminom o matulog. Wala ka namang makukuha sa research mong yan, may magbabago ba kung malalaman mo yung kadahilanan?!”

Hindi nakaimik si Monic. “ Akin na nga ‘yan! ” Inagaw ni Arwin ang laptop ni Monic. “ Halika, manood nalang tayo. ”

Pinindot ni Arwin ang document niya. Lumabas doon ang movie ng A Walk to Remember.

Nagsimula ang movie. Sumandal si Arwin. Walang nagawa si Monic, sumandal na din. “ Nakakatawa ba ‘yan? ” Tanong ni Monic.. “ Hindi. Basta, manood ka nalang. ”

Lumubog ang araw. Sa kalagitnaan ng palabas ay naluluha-luha na si Monic. Pilit mang pigilan ang pagluha para hindi mahalata ni Arwin, hindi nakatakas ang hikbi nito. “ Umiiyak ka ba? ” Natatawang tanong ni Arwin.

“ Ha? Hindi. ” Sagot ni Monic sa tunog na may baradong sipon. Humalakhak ng malakas si Arwin.  Tuluyang umiiyak si Monic. Tinakpan niya ang kaniyang mukha habang tumatawa. “ Kasi naman eh! Isa! ”

Tinawanan lang siya ni Arwin. Maya-maya pa ay tumahimik na naman sila. Nanood at natuon ang atensyon sa mga pangyayari.

Natapos ang palabas. Halata pa din ang namamagang mata ni Monic. “ Ikaw ang hina talaga ng loob mo eh. Konting drama lang, umiiyak kana. Dapat hindi ka ganyan. Ang mahinang tao, laging dumidepende sa iba. ”

“ Bakit? Ayaw mo ba sakin? Iiwan mo ba ‘ko kagaya nila Mama? Aawayin mo din ba ‘ko katulad ni Loleng? ”

“ Ha? Anong iiwan kagaya ng Mama mo? Anong gusto mo? Mamatay na 'ko? ”

Napatawa si Monic. “ Sira! Hindi naman sa literal! ”

“ Hindi kita iiwan Monic. Best friend nga tayo di ba? Isa pa, humahanap lang ako ng tamang tiyempo. ”

Tumingin si Monic sa bintana. “ Nako gabi na pala! Hala! Sige sige alis na ‘ko. Bye! ” Hindi nilingon ni Monic si Arwin. Dire-diretso itong naglakad papunta sa bintana. Lumusot siya atsaka tumawid sa kabilang bintana.

Napakamot si Arwin sa ulo niya.

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CLICK R TO CONTINUE:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

The Love of Blamed PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon