W

124 5 0
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

                                                                W:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

“ Mainit ka pa ba? ” Inilapat ni Arwin ang likod ng kamay niya sa noo ni Monic. “ Okay lang ako. Parang hindi mo naman ako kilala. ”

“ Okay eh plumakda ka nga daw sa lapag. ”

Napatawa si Monic. “ Eh kasi naman sobrang gininaw ako. Hala, anong oras na? Gabi na pala! Hindi pala ako nakapunta ng sementeryo. Hindi ko napuntahan sila Mama. ” Sinubukan ni Monic na ibangon ang katawan niya.

“ Oh teka lang. May sakit ka pa nga ‘e. Gusto mo bang makalanghap ka ng amoy bangkay dun? Masama yun sa kalusugan mo. ”

“ Ano ka ba. Sa hininga pa lang ni Lovely sanay na ko. ” Napangisi ang dalawa. “ Oh ano? Sasamahan mo ba ko o magpapanggap ka na ako? ” Sabi ni Monic.

“ Magpapanggap? Bakit? ”

“ Hindi ako papayagan ni Tita na pumunta kina Mama’t Papa kaya kailangan na alam niya na nandito ako. ”

“ Oh? E sino bang nagsabi na magpapaalam ka pa? ”

Nagkatitigan sina Monic at Arwin. “ Tatakas tayo? ” Sabi ni Monic. Sumagot si Arwin. “ Oo. Tatakas tayo. ”

Dali-daling bumangon si Monic. Dahan-dahan silang naglakad papalabas ng pintuan para pumunta sa kabilang kuwarto upang doon dumaan palabas.

Sumalubong sa kanila ang isang parang malaking anino na hindi makita ang mukha dahil walang ilaw.  Sabog ang buhok nito at malapad ang katawan. “ HEP HEP!! ”

Biglang nasapok ni Arwin ang mukha nito sa sobrang gulat. Mula sa malakas na pagsapok ay nadinig nila Monic ang hiyaw ni Lovely. “ Aray momeh, aray. ”

Dahan-dahang hinatak ni Arwin si Lovely para paupuin sa kama ni Monic. “ Nako sorry Lovely. Sorry talaga. Nagulat ako. Ano ba kasing ginagawa mo sa gilid ng pintuan ha? Kala ko ba umalis ka na? ”

“ Che! Malay ko ba na lalabas kayo?! Gusto ko lang naman na pakinggan yung pinag-uusapan niyo! Teka nga! Bakit kayo pupunta sa sementeryo?! Isusumbong ko kay-- ” Agad na tinakpan ni Arwin ang bibig ni Lovely.

“ Shh shh shh. Ano ba, ang lakas ng boses mo. Baka marinig tayo nung Nanay mo. ” Nagsalita si Lovely pero hindi maintindihan ang sinasabi nito sapagkat mahigpit ang pagkakahawak ni Arwin sa bibig niya.

Agad na tinanggal ni Arwin ang kamay sa bibig ni Lovely saka ipinunas ang laway sa kaniyang shorts. “ Yuck. ”

“ Ganito nalang Lovely. Gusto mo ba ng adventure? ” Tanong ni Monic. “ Adventure mo mukha mo. ”

“ Seryoso nga ako. Ganito nalang. Kunyari ako ikaw. Magpapanggap ka na ako kapag hinanap ako ni Tita. ”

“ Che! Mabilis akong mabubuko ni Momeh! Kahit takluban ko ng ilang kumot ang katawan ko, malalaman agad niya na ako ikaw! ”

“ Ang taba mo kasi ‘e. ”  Singit ni Arwin. “ Ay joke lang. Ganito nalang. Sama ka nalang samin sa sementeryo. Ano? Game? “ Sinenyasan ni Monic si Arwin. Nginitian lang siya ni Arwin.

Pumayag si Lovely. Sabay-sabay na lumabas ang tatlo papunta sa kabilang kuwarto. Bumulong si Monic kay Arwin. “ Sira ulo ka. Ba’t isasama pa natin yan. Pag tayo sinumbong niyan kay Tita lagot ka talaga sakin. ”

“ Ikaw engot ka talaga eh no. Pag sinumbong tayo nyan, sabihin natin siya nag-aya. ”

“ Sira ulo! ” Ngumisi si Arwin.

Naunang dumaan si Arwin sa bintana papunta sa tapat ng bintana ng kuwarto niya. Sumunod naman si Monic. Nang si Lovely na ang susuot sa bintana ay hindi magkasya ang kaniyang katawan.

“ Teka aray. Ang sakit. Hindi talaga ‘ko kasya. ”

Hinila ni Arwin ang ulo ni Lovely at pinilit na ilabas sa butas ng bintana. “ Aray putcha ang sakit teka teka! ” Natatawa lang si Monic na nasa gilid.

Inatras ni Lovely ang ulo niya mula sa bintana.  “ Wala na ba kasing ibang daanan? Eto lang ba yung pwede? ”

Sumagot si Arwin. “ Ha? Meron. Ayan oh. Sino ba kasing nagsabi na dyan ka dumaan. Nakikigaya ka kasi hindi ka naman kasya. ”

Pabulong na nagmura si Lovely. Dumaan siya sa maliit na pintuan sa baba ng bintana.

“ Tara na dali-dali. ” Sabi ni Arwin.  Lumakad na siya papasok sa bintana ng kuwarto niya.

Tuwang-tuwa si Lovely sa ginagawa nila. “ Ang saya! Para tayong nag-aadventure! Tara dali! Naeexcite tuloy ako. ” Dali-daling tumakbo si Lovely papunta sa bintana ni Arwin. Hindi niya napansin na sa gilid nito ay malaking butas pababa sa tapat ng bahay nila. 

Lumagatok ang yero saka nalaglag si Lovely. Dire-diretso ito sa halamanan nila habang sumisigaw ng Momeh. Nanlaki ang mga mata ni Monic at napasigaw. “ Halaaaa!!! ” Hindi nakapagsalita si Arwin.

Mula sa itaas ng bubong ay sinilip nila Monic si Lovely. “ Okay ka lang? ” Sabi ni Monic.

Hawak ni Lovely ang kaniyang balakang. “ Putcha, sinong ayos? Ikaw mahulog baka mas ayos! Bilisan niyo! Hihintayin ko kayo dito!  ” Pilit itong tumayo na pasuray-suray.

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CLICK X TO CONTINUE:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

The Love of Blamed PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon