S2: B

100 4 0
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

                                                        Season 2: B

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

Sa bahay ni Manong. Gawa sa kahoy. Walang tao. Medyo mabaho gawa  ng amoy lupa. Umupo sina Monic at Arwin sa dalawang bangko.

“ Pagpasensyahan niyo na ang bahay ko. Sa totoo lang, noong araw, kung hindi ako tutulungan nila Madam Mora, baka sa kangkungan ako pupulutin. ” Inilapag ni Manong ang pitsel sa katapat na lamesa kasama ang dalawang basong gawa sa plastic. “ Oh, inom muna kayo. Okay lang ba sa inyo kung hindi malamig? Wala kasi akong ref  ‘e, ni wala ngang pangbayad ng kuryente. ” Napangiti lang si Monic. “ Sige po, ayos lang ho kami. ” Inilibot ni Monic ang kanyang mga mata. “ Wala ho ba kayong kasama? ”

“ Ay wala. Yung anak ko wala na. Yung asawa ko naman lumayas. Mag-isa nalang ako. Kung minsan nga nakikipagkaibigan nalang ako sa mga maligno d’yan sa sementeryo. Wala naman kasi akong makausap. ”

Nanlaki ang mga mata ni Arwin. Bumulong ito kay Monic. “ Baliw ata ‘to Monic. Takbo na tayo. ” Siniko ni Monic si Arwin. Tumawa si Manong. “ Biro lang. ”

“ Oh siya. Ano bang gusto mong malaman iha? ” Umupo si Manong sa katapat na bangko. “ Hmmm. Mula sa simula po. Kung paano nagkakilala sila Mama at Papa. ”

“ Nako. Nung namasukan akong gardener magkasama na sila eh. ” Nagtaka si Monic.

“ Gardener? ”

“ Ah oo. Bakit? ”

“ May garden ho ba kami dati? ” Bumakas ang kaba ni Arwin sa kanyang mukha.

Tumawa si Manong. “ Nako, Lily. Hindi ka pa buhay noon! Susme ‘tong batang ‘to. Malaki ka na nga. ” Tumawa pa si Manong.

“ Ha? Sino po ba si Lily? Kagabi pa po kayo Lily nang Lily ‘e hindi naman po ako si Lily. Monic po ang pangalan ko. Mora plus Dominic. ”

“ Gan’n ba? Sa pagkakaalala ko kasi, Lily ang unang anak nila Madam Mora at Don Dominic. ” Nagkatinginan lang sina Arwin at Monic.

“ E baka naman po si Lovely ang tinutukoy niyo? Nauna ho kasi si Loleng kaysa kay Monic.  ” Singit ni Arwin.

“ Nauna? Ibig sabihin may ate ka? ” Tanong ni Manong.

“ Ate po kay Papa. Anak lang po kasi ako sa labas. ”

Nagtaka si Manong. “ Anak sa labas? ‘E akala ko ba sina Madam Mora ang magulang mo? ”

“ Oo nga po. Ang una po kasing napangasawa ni Papa ‘e si Tita Poring. ”

“ Poring? Sino yon? ” Tanong muli ni Manong.

Nabadtrip si Arwin. “ Si Manong naman oh. Kami nga ho dapat ang nagtatanong. Kayo po ba may alam o wala? ” Agad na sinuway ni Monic si Arwin.

“ Wag mo naman akong ganyanin iho. Kahit naman hindi ako nakatapos, may alam naman ako kahit papaano. ”

“ Manong hindi naman hilab ng kokote ang tinutukoy ko. Ang punto ko po, may alam po ba kayo tungkol sa nakaraan ni Aling Mora at yung Dominic. Lagi kasing namomroblema ‘tong kaibigan ko. Nagbakasali lang ho kami kung makakatulong kayo, e mukhang wala naman ata kayong alam. Tara na nga. ”

Tumayo si Arwin at hinila si Monic. “ Teka lang. ” Pagtigil ni Monic. “ Kahit ano nalang po manong. Ah ganito nalang. Kuwentohan niyo nalang po kami tungkol sa experience niyo habang nagtatrabaho pa kayo kina Mama. ” Bumulong si Arwin.  “ Monic.. ” Umiling si Monic. Umupo ulit si Arwin.

Sinalin ni Manong ang tubig mula sa pitsel. Uminom ito tsaka nagkuwento. “ Noong araw na nagtatrabaho palang ako noon. -- ”

Flashback.

 

Masayang-masaya si Madam Mora na hinihimas ang tiyan niya. Buntis-butis ka pa niya noon. Nung mga oras na ‘yon, naggugupit ako ng mga lantang dahon sa garden niyo. Lumabas si Don Dominic, nakangiti din. Sabay silang sumakay sa kotse niyo.

 

“ Kuya Kanor mauna na po kami. ” Ganyan makiusap ang Tatay mo. Mabait. Hindi mababa ang tingin sa akin.

 

Umalis sila. Nagpunta sa hospital. Tuwing katapusan kasi ng kada dalawang linggo, ipinapacheck up ni Madam ang sanggol niya. At ikaw ‘yon.

 

Sobrang saya ng mga magulang mo nang isilang ka. Sa sobrang tuwa nila, napagdesisyonan nila na pag-aralin si Hukob. Ang anak kong lalaki.

“ O’ Mang kanor. Naenroll ko na si Hukob. Eto ang pera pangbili ng mga gamit niya. ” Inabot ni Dominic ang pera mula sa bulsa niya.

“ Nako wag na po sir. Nakakahiya naman. ” Pilit na tinanggihan ni Mang kanor ang perang inabot ni Dominic ngunit hindi ito nakatanggi sa huli. “ Salamat ho. ”

Nakangiting ibinulsa  ni Mang Kanor  ang tatlong libo.

Excited akong umuwi non. Sa wakas makakapag-aral na ang anak ko. Sigurado ako nang mga oras na ‘yon na matutuwa ang misis ko. Pero mali ako, nang makauwi ako. Nakatitig nalang ang misis ko sa anak kong nakalambitin sa lubid.

 

“ Anong ginawa mo Hilda!! ” Itinulak ni Mang Kanor si Hilda. Nagmadali siyang ibaba si Hukob pero malamig na ang bangkay nito. Umiyak nang umiyak si Mang Kanor kasabay ng kanyang malakas na hiyaw.

Matapos non, hindi ko na nakita si Hilda. Nalaman ko sa kalaro ni Hukob na inutusan daw siya ng Nanay niya na magbigti. Eto namang bata natakot. May hawak daw kasing kutsilyo si Hilda. Pati yung mga bata natakot, ayon nagtakbuhan. Putragis talagang Hildang yan. Nalulong kasi sa rugby.

 

End of Flashback.

“ Kaya ho ba sa sementeryo kayo nagtatrabaho ngayon dahil doon nakalibing si Hukob? “ Tanong ni Monic.

“ Oo. Yung gustong upuan ng kasama mo, doon nakalibing yung anak ko. ” Napalunok ng laway si Arwin.

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CLICK S2: C TO CONTINUE:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

The Love of Blamed PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon