▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
H:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
Ipinupunas ni Monic sa kaniyang shorts ang kamay na basa habang umaakyat ng hagdan. Pumasok siya sa kaniyang kuwarto. Isininara niya ito atsaka umupo sa tapat ng kaniyang lamesa. Iniilaw niya ang kaniyang lampshade. Kinuha niya ang patong-patong na libro mula sa subject na Math, Science, English at Filipino.
Hindi pa man sinisimulan ni Monic ang pagbabasa ay agad niya na itong isinaoli sa dati nitong puwesto.
“ Nakakatamad! ” Bulong nito. Tumayo siya mula sa kinauupuan at binuklat ang laptop niya.
“ Online kaya si Arwin? ”
Mabilis niyang itinayp ang www.facebook.com. Tinitignan palang niya ang kaniyang online chat friends ay may nag chat na sa kaniya agad.
From: Kian Meg
Palike po ng profile picture ko. https://www.facebook.com/photo.php?fbid=8719676361
Gumuhit ang alon sa noo ni Monic. Hindi niya binuksan ang link. Pinindot niya ang ex button. Clinick niya ang online chat friend niya na si Arwin.
To: Arwin Pino
Hindi ka na naman nagtooth brush!
Ngumisi si Monic sa kaniyang chinat.
From: Arwin Pino
Anong hindi? Haaaaaaaaa
To: Arwin Pino
Ang baho! Abot dito.. inantok tuloy ako..
From: Arwin Pino
Haha! Punta ka nga dito, ang daming ipis eh. Hingahan mo sila para mamatay sila BWAHAHA!
Tumawa ng malakas si Monic. Nanginginig itong nagtatype habang binabanggit ang mga salita.
To: Arwin Pino
Mukha mo! Balita ko nga endorser yang hininga mo ng baygon!
Mula sa kabilang kuwarto ay nakarinig ng malakas na tawa si Monic. Ang tawa ni Arwin na kapitbahay nila.
To: Arwin Pino
Ang lakas ng tawa mo ! BWAHAHAHAHAHAHA!
Arwin Pino is typing a new message
From: Arwin Pino
Punta ka dito.
To: Arwin Pino
Ayoko, mamaya makita ako ni Tita. Baka nakabantay din si Loleng. HAHAHA!
From: Arwin Pino
Hindi yan! Bilis! May pagkain ako
To: Arwin Pino
Ayoko nga ang kulit! Inaantok na din ako.
From: Arwin Pino
Inaantok pero nagfe-facebook? Tsk!
To: Arwin Pino
E ganun talaga.
Seen ✓ 9: 27 pm
Nagalit si Monic nang makita ang seen zoned. “ Ahh ganon?! ”
Arwin Pino is typing a new message
“ Typing ka pa ngayon, e sineen mode mo na ‘ko! ” Mabilis niyang pinindot ang log out button.
Tumunog ang ring tone ni Monic, ang kanta mula sa palabas ng Spongebob Squarepants. Lumabas ang larawan ni Arwin sa kaniyang cellphone. Sinagot niya ito.
“ Oh? ”
Bat nag offline ka?
“ Ha? Nalowbat yung laptop ko “
Aahh.. Sige sige wait kita
“ Ha? Wag na.. di na din ako mag-o-online. Tinamad na ko eh “
Ay ganun.. sige sige.. bye..
“ Bye..”
Good night...
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
CLICK I TO CONTINUE:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
BINABASA MO ANG
The Love of Blamed Psycho
Misteri / ThrillerMagmamahal ka pa ba kung ang tingin na nila sa iyo ay isang baliw?