▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
K:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
“ MONICCCCCCCCCC!!! “ Umecho ang boses ni Lovely sa buong bahay. Ang mga ibon ay nagsiliparan. Ang mga kotse ay naghintuan. Ang mga tao ay napatakip ng kanilang mga taenga.
Nagmadaling bumaba ng hagdanan si Monic. “ ANO ‘ YON!! ” nakadamit pang bahay na siya.
“ ANONG ANO ‘YON?!! ANO ‘TO!!!! ” Tinuro ni Lovely ang screen ng laptop niya. Nakapatong ito sa maliit na lamesa nila. Lumapit si Monic. Tinignan ito. Nakita niya ang chat box ng account niya sa account ni Lovely.
From: Monic Pino
Shomba ka! Ang taba mo! Maligo kana BWAHAHAHAHA! Unggoy!
Hindi pa man nakakalingon si Monic ay hinablot na ni Lovely ang buhok nito. “ Ang kapal ng mukha mo ha! “
“ Teka lang Loleng.. Aray! Aray!! ” Hinawakan ni Monic ang kamay ni Lovely habang hila-hila nito ang buhay niya.
“ Anong Loleng! Sino si Loleng!! ”
“ Ay Lovely. Sorry Lovely! Nahack kasi yung account ko. Sorry na, tama na, aray! “
Hindi maawat si Lovely. Kung saan-saang bahagi ng hangin napadpad ang ulo ni Monic. “ Ang galing naman ng hacker mo no?! Alam niya na mataba ako?! Sinong niloko mo ha! “
“ SABING TAMA NA!! “
Tumalsik si Lovely sa lakas ng pagtulak ni Monic. Susugod pa sana ito, agad siyang sinapok ni Monic sa mukha. Gaganti pa, dinoble ni Monic ang pagsuntok. Pumipiglas pa, hinugot ni Monic ang ulo nito at pinipigilang makaganti. “Sabing tama na! Ang kulit mo! ”
“ ANONG NANGYAYARI DITO?!!!! “ Agad na binitawan ni Monic ang ulo ni Lovely nang madinig ang hiyaw ng kaniyang Tita Poring.
Mabilis na inilapag ni Poring ang kaniyang bitbit na plastic at bag. “ Anong ginawa mo kay Lovely Monic!! ” Lumapit si Poring kay Lovely. Hinimas ang mukha nito. Inayos ang buhok na sabog. Hinawakan ang malaking black eye.
“ Momeh, she beats me! I promise swear, it’s my fault not! Swear momeh, me is not lying.. ” Agad na sumbong ni Lovely.
“ Tita hindi po ako ang nauna! ” Depensa ni Monic.
“ No momeh! It’s fault her. It’s hers.” Pag-iinarte ni Monic.
Nairita si Poring sa kaniyang anak. “ Tigil-tigilan mo nga ‘yang pagi-english mo. Second year high school ka na. Mali mali pa ‘yang grammar mo. Teka nga! Ano ba talagang nangyari ha! Bakit may black eye ka? Bakit sabog ‘yang buhok mo! ”
Sabay na nagpaliwanag ang dalawa. Walang maintindihan si Poring.
“ Kasalan -- ”
“ Hindi ako Tita -- ”
“ Siya nauna -- ”
“ Very promise momeh -- ”
“ Maniwala ka -- ”
“ Gumanti lang ako -- ”
Napahawak ng ulo si Poring. “ Tumahimik kayo!! ”
Nagsalita nang mabilis si Lovely. “ Mommy kasalanan niya, siya nauna, chinat niya ko, tignan mo! ” Tinuro ni Lovely ang screen ng laptop niya. Tumingin si Poring. Lumapit ito at binasa ang chat ni Monic. Nanlaki ang mga mata ni Monic, napakagat ng kaniyang labi. Kabado.
From: Monic Pino
Shomba ka! Ang taba mo! Maligo kana BWAHAHAHAHA! Unggoy!
Lumingon si Poring kay Monic. “ Ano ‘to Monic?! ”
“ Sorry po Tita. Nahack po kasi yung account ko “
Agad na sumabat si Lovely. “ Nahack eh sabi mo nasa taas ‘ka lang kanina?! Panong nahack ‘yang account mo ha?! Palusot mo! Sabihin mo, inggit ‘ka lang sakin kaya ganiyan ka makachat! “
Nakayukong sumagot si Monic. “ Sorry po Tita “
May kumatok. Napatingin sina Poring, Lovely at Monic. “ Sino ‘yon? ” Sabi ni Poring.
Binuksan ni Poring ang pintuan nila. Sa labas ay naghihintay si Arwin. “ Oh anong ginagawa mo dito Arwin? ”
“ Ah Tita -- ” Napatingin si Arwin kina Monic at Lovely. “ Anong nangyari sa mukha ni Lovely? ”
Sumagot si Lovely. “ E kachi chi Monic ee! Tignan mu. Nichat niya aku. Huhu “ Umirap si Monic.
“ Nako Lovely, ako kasi ang nagtype niyan. Sorry shomba—este Lovely. Sorry po Tita. Nawrong send po ako, may ginagawa po kasi akong kwento sa laptop ‘ko. Nacopy paste ‘ko po. E gamit ‘ko po yung account ni Monic. May ilalike po kasi ako. “
Napatingin si Arwin kay Monic. Hindi masukat ang galit na ekspresyon nito. Walang batbat ang pulang rosas sa kumukulong dugo na dumadaloy sa pamumula ng mukha ni Monic. Nanlilisik ang mga mata nito at hindi matitigan.
Napalunok si Arwin. Natakot ito. “ So-sorr-sorry Monic. ”
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
CLICK M TO CONTINUE:
▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂
BINABASA MO ANG
The Love of Blamed Psycho
Tajemnica / ThrillerMagmamahal ka pa ba kung ang tingin na nila sa iyo ay isang baliw?