V

112 6 0
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

                                                                V:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

“ Okay kana? Monic ayos ka na ba? ” Sabi ni Arwin kasabay nang pagmulat ni Monic sa mga mata nito.

Si Monic ay nakahiga sa kama ng kaniyang kuwarto. Sa gilid niya ay si Arwin habang hawak ang kaliwang kamay nito. Samantala, si Lovely ay nakatayo sa tabi ng pintuan.

“ Si Tita? Nasan si Tita? ” Mahinang sabi ni Monic.

Masamang nakatitig si Lovely. “ Bakit? Anong meron kay Momeh? ” Napabuntong hininga si Monic. Nagkasalubong ang kilay ni Arwin.

Napatingin si Monic sa yabag na papalakas nang papalakas. Mula sa pintuan ay pumasok ang tita niya habang hawak ang isang planggana na may bimpong nakalutang.

“ Oh Monic. Gising ka na pala. Ano bang nangyari sayo ha at sinugod ka nung lalaki dito? ”  Inilapag ni Poring ang planggana sa side table ni Monic. Piniga ni Poring ang bimpo saka inilapat sa noo ni Monic.

“ Sino pong lalaki? ” Tanong ni Monic.

Nakisabat si Lovely. “ Sino pa edi si June! May Arwin ka na nga, pati si June inaangkin mo. ” Umikot ang mata ni Lovely at napairap.

Tinanong ni Monic si Arwin. “ Sino si June? ”

“ Kaswimmer ko. Nalunod ka daw, siya yung sumagip sa’yo. ” Ibinaba ni Arwin ang pagkakahawak niya sa kamay ni Monic.

Nagkuwento si Poring. “ Nahimatay ka daw sa room niyo. Eh nung isusugod kana sa clinic, nakita ka nung June. Buhat-buhat ka niya nang makasalubong kayo ni Lovely. Eto namang si Lovely, nakakita lang ng gwapo inuwi na. Ayon, imbis na sa clinic ang punta mo, napadiretso ka tuloy dito sa bahay.  ”

“ Na naghihintay pa din hanggang ngayon sa baba. ” Gatong ni Lovely. “ Nandyan pa siya? ” Gulat na tanong ni Monic.

“ Pinauwi ko na. ” Sabi ni Arwin. “ Sa susunod kasi kapag nalunod ka, magpalit ka. May extra naman akong damit hindi ka pa dumiretso sa locker ko. Yan tuloy nakisawsaw pa yang June na yan. ”

“ Hindi naman kasi kita mahanap. Kanina pagpasok ko, wala ka pa din. Hinintay ko na dumating ka, ang tagal mo naman. ”

“ Kasi naman hinarang ako eh. Kasalanan to ng mga babaing yon! ”

Tumawa si Poring. “ E ba’t naman kasi kay gwapo mong bata ka. Ayan tuloy pati girlfriend mo napapabayaan mo. ”

“ Momeh?! Hindi sila mag girlpren! Tsk. ”

Kinuha ni Poring ang bimpo sa noo ni Monic saka inilagay sa planggana. “ Hay nako ewan ko sa inyong mga bata kayo. Basta ha, wag pababayaan ang pag-aaral. ” Lumabas si Poring sa kuwarto ni Monic.

Napatitig si Monic at Arwin kay Lovely na nakasandal pa din sa dingding ng pintuan. Tumitig din si Lovely sa dalawa. Ilang segundo bago nagsalita si Lovely. “ Bakit? Anong tinitingin ninyo? Akala niyo iiwan ko kayong dalawa? Neknek niyo. Mamaya kung ano pang gawin niyo dito. ”

Nakatitig pa din si Monic at Arwin kay Lovely.  “ Ano ba! Wag niyo nga ‘kong titigan! ” Tumitig pa din ang dalawa at hindi umimik.


“ Letse sige na aalis na ko! ” Tuluyang lumabas si Lovely ng kuwarto ni Monic.

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CLICK W TO CONTINUE:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

The Love of Blamed PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon