I

232 6 2
                                    

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

                                                                I:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂ 

  

Sa school. Sa pangatlong palapag. Sa corridor. Nakatingin sa malayo si Monic at pinagmamasdan ang mga estudyante.

Etong mga estudyante na to. After ten years, ano na kaya sila? Doctor? Attorney? Teacher? Accountant? Engineer? O Tambay? Nakakatamad maging estudyante. Sana makatapos na ‘ko. Hayyy...

Napatingin naman si Monic sa isang guro.

Etong teacher na ‘to? Ano kayang pumasok sa isip niya at nagteacher siya? May anak na kaya siya? Ilan kaya ang anak niya? Pano kaya siya niligawan ng asawa niya? Buhay pa kaya ang asawa niya? Tsk! Ang dami ko namang problema sa mundo. Bakit ba pati ‘yon inaalam ‘ko?

Baliw na ata ako. Teka? Ano kayang pag-iisip ng mga baliw? Ano kayang nakikita nila kaya natatawa sila? O kaya,  sino kayang kausap nila na sila lang ang nakakakita? Espiritu? O maligno?

Mula sa likod ni Monic habang ito ay nagmumuni-muni, dahan dahang lumalakad palapit sa kaniya si Arwin.

“HOY!! Ano na naman ‘yang iniisip mo! ”

Nagulantang si Monic sa pagsigaw ni Arwin. “ Bwisit naman ‘to! Nakakagulat ka! ” Tumawa ng malakas si Arwin.

“ Ano na naman ba yang iniisip mo? “  Tanong ni Arwin.

Tumingin muli si Monic sa malayo. “ Wala lang, ikaw? Alam mo ba kung pano mag-isip ang mga baliw? “ 

Napatingin din sa malayo si Arwin. Nakikita niya ang stage ng school nila. Ang mga puno. Ang mga upuan. Ang mga estudyante at mga gurong pumapasok sa kani-kanilang silid.

“ Aba’y malay ko. Hindi naman ako baliw para malaman ko kung pano sila mag-sip” Natahimik si Monic sa sagot ni Arwin.

Muling nagsalita si Arwin. “ Yun ba yung problema mo? “ 

“  Ha? Loko! Bat ko naman po-problemahin ‘yon? Ano ko, bangag? “ 

“ E yun naman pala e! Bat kanina ka pa nakasimagot? Ang panget mo na nga, sisimagot ka pa!  “ 

Hinampas ni Monic sa mukha si Arwin. “ Aray! Bakit?! Masama ba maging honest?! ”

“ Che! Naisip ko din kasi, papaano kaya kung buhay sila Mama? Si Papa? Papaano kaya kung hindi ako anak sa labas? Papaano kaya kung hindi si Lovely ang kapatid ko? “

Sumabat si Arwin. “ Papaano kaya kung si Lovely ang alaga mong unggoy? ” Tumawa ng malakas si Monic.

” Sira ‘ka talaga! “

“ Seryoso ako! Oh papano kung isang araw, magiging unggoy si Lovely. Anong gagawin mo? Sige nga! ” Patuloy ang pagtawa ni Monic. Hindi ito makapag isip ng sa sobrang lakas nang pag tawa.

Nagsalita muli si Arwin. “ Kung unggoy ‘yon, malamang lagas na ang punong saging sa buong mundo! ” Mas lumakas ang tawa ni Monic. Napangisi din si Arwin. “ Bakit? Totoo naman ah! ”

“ Sira ka! Anong akala mo kay Loleng? Masiba?! ”

Napatid ang tawanan ng dalawa nang makita ang guro nila. Nagtakbuhan ang dalawa papasok sa room nila.

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

CLICK J TO CONTINUE:

▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂▂

The Love of Blamed PsychoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon