3.2"Anu daw Ali??"

1.7K 25 0
                                    

Jared: anu ba yan!! di bale na nga! hindi ko naman kailangan puntahan siya.. malay ko ba na tatawag yung lalaking yun.. eh hindi naman siya talaga tumatawag saakin! (yamot na sambit ng dalaga)

Nang makalabas na si Jared sa gate ng Hospital ay hindi nito namamalayan na pinag mamasdan siya ni Ali habang naka tayo sa glass window nito sa kanyang clinic..

Ali: Tingnan mo talaga to! ni hindi talaga bumalik? dati naman nag aantay to hanggang sa maka out ako dito sa clinic! (inis na sambit ng binata sakanyang sarili)

Bakas sa mukha ng binata na inis na inis ito kaya naman ng pumasok ang kanyang secretary..

Hannah: Doc Ali??

Doc: ANU?! (Pasigaw na sagot ng binata)

Nagulat si Hannah sa inasta ni Ali.. dahil sa tagal niyang naging secretary ni Ali ay never niya pang narinig na sumigaw si Ali.. at ngayon niya lang nakitang bad mood ang doctor kaya naman..

Hannah: ahh wala po doc sige labas po muna ako.. medyo salubong po ang kilay ninyo eh.. (pabiro pang sambit ng dalaga)

Hindi pa rin ni Ali pinansin si Hannah kaya lumabas na nga muna ang dalaga.. Habang si Ali naman ay umupo muna saglit sa kanyang upuan at kinuha ng binata ang kanyang cellphone..

Ali: itext ko kaya siya?? anu naman ang sasabihin ko sakanya?? na inis ako sakanya? dahil sa may kausap siyang ibang lalaki???! hayst!! bakit ba?! anu bang pakialam ko kung may kausap siya!! affected lang?! (inis na inis si Ali kaya naman kahit yung papel nahawak niya ay nagusot niya ito)

Kinuha pa din ng binata ang kanyang cellphone at nag iisip kung anu nga ba ang sasabihin niya kay Jared..

Hanggang sa paulit ulit itong may.. tinatype pero dine-delete din ng binata ang kanyang tinitext..

Hindi inaasahan ni Ali ang kanyang susunod na tinatype..

Agad niya naman itong dinelete at napaisip si Ali.. bumilis ang tibok ng puso niya.. hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman..

My Bachelor Doctor Book 1 & 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon