Chapter 5
Kakapasok ko lang dito sa room namin. Well yeah, klase nanaman. As usual, daldal lang nang daldal yung mga kaklase ko. Hindi ba sila nauubusan nang topic? Haist, ako naman dito ay tahimik lang. Walang ibang magawa kundi ang tumutok sa pintuan at hintayin ang pagdating ni Ma'am.
Hindi na pala ako nakaupo sa pinakasulok ngayon. 'Yung inuupuan ko noon ay naging reserve seat na, so bale ako na ang naka-upo sa seat ni Flora tapos si Flora naman ay nakaupo kasunod ko.
Ewan ko kay Ms. Alcala kung bakit ganun na ang seating-arrangement, basta sabi niya kahapon..
"Starting tomorrow Ms. Santos ay dun ka na uupo sa seat ni Ms. Alcantara, binago ko na ang seating arrangement niyo."
'Yun lang ang sabi niya saakin nang magtagpo kami sa hallway kahapon, I don't know the reason and I don't want to know the reason basta ang gagawin ko lang ay sumunod sa anumang sabihin niya. Kaya heto, dito na ako naka-upo kahit medyo hindi ako komportable.
Tumingin ako sa aking gilid, I mean tinignan ko yung seat ni Flora dito sa right side. Nakapagdesisyon na pala ako, tatanggapin ko na ang alok niyang pakikipagkaibigan saakin. Halos umabot nga ako ng 3am sa umaga kakaisip eh.
Pinag-isipan ko kasi nang maigi. Hindi ko sinasabing masamang tao siya, ganon lang talaga ako.
Pero wala pa si Flora, saan na kaya siya? Si Flora kasi yung tipong estudyante na hindi nalelate. Mukhang malelate na siya ngayon dahil almost 7:30 na. 'Yan kasi ang oras na kadalasang dumadating si Ms. Alcala. Ang speaking of Ms. Alcala, nandiyan na nga siya.
"Goodmorning Class! "sigaw sa'min ni Ms. Alcala habang isa-isang nilagay ang kanyang dalang bag at books sakanyang table.
"Goodmorning Ms. Alcala." sigaw nila pabalik at umupo na pagkatapos. Bakit wala pa si Flora? Late na siya oh. Nag-aalala na tuloy ako. Hindi ko alam kung bakit ako ganito.
"Hey Class, remember yesterday? Diba I told you na ngayon na lilipat yung new classmate niyo? And yes, ready na ang mga papers niya na magtransfer dito sa section na tin. Are you ready to meet him?"sabi niya habang may malaking ngiti sa labi. Malaki talaga ha. Ito namang mga kaklase ko, kilig sagad-sagad?
Para saan naman at kinikilig sila?
Siguro, kinilig sila dahil gwapo raw? Hindi ko talaga ma-gets minsan ang mga kaklase ko. Sa tuwing nakakakita sila nang gwapo ay kinikilig eh. Tumitili sila na parang baliw, I don't know why pero ang loner na tulad ko ay nag-aalala sakanila sa tuwing nagkakaganyan sila.
BINABASA MO ANG
Not My Story
TeenfikceNot all your expectation will turn out the way you want them to be.