Chapter 36

450 14 10
                                    

Chapter 36


1 week.


One lonely week na hindi pumasok sa klase si Daniel mula nung araw na iyon. Nag-aalala ako na baka may nangyari sakanya. Dang!


Nasaan na ba kasi siya?


To be honest, palagi akong hindi nakakampante sa tuwing nakikita kong free yung seat niya. Ang weird weird ko na. Hindi naman talaga ako ganito eh.


Ito ba talaga ang epekto pag nagmahal ka? Na lahat ng pangyayari sa buhay ng mahal mo ay parang gusto mong updated ka?


Na pag-absent siya, bilang na bilang mo yung araw?


"Baka matunaw ang seat ni Daniel, little Kathy."


Natauhan ako ng magsalita si Juls. Hala. Kanina pa pala ako nakatitig sa upuan niya? Daniel naman kasi!


"H-hindi Juls noh. Hindi naman ako nakatingin sa seat niya eh." sabi ko tapos agad na binaling ang tingin sa blackboard.


As usual, busy ang mga kaklase kong nagchikahan. Wala na tayong magagawa, habit na talaga nila yan.


Pero infairness ah, hindi na ako ginugulo ni Jacinth, di tulad nung dati.


"Wala raw si Mrs. Fernandez ngayon, little Kathy. Nagugutom ako eh, punta tayong Canteen? Lilibre kita!" sabi ni Juls saakin.


"Tara! Gutom na rin ako eh. At hep hep! Ako na ang mang-libre sa'yo! Palagi na lang ikaw yung nagwawaldas ng pera, sayang 'yun." tapos tumayo na kami at naglakad palabas ng Room.


"Nagwawaldas? Hindi naman pagwawaldas ang tawag don lalo na't para naman sa kabutihang panlahat! Haha!" tawa ni Juls. Eh kasi naman, lesson namin yun sa Values.


"Ahh, parang lipunan ng Values? Hahaha!" kaming dalawa na ang tumawa.


Maraming estudyante ang nagsisikan sa Canteen. Patay gutom. Loko lang!


"2 bottles of vitamilk po at 2 chocolate fudge." sabi ko don sa tagabantay. Nag-abot ako ng isang daan.


Pagkatapos kung makuha ang aking sukli pati na rin ang aking biniling pagkain ay naghanap muna kami ng ma-upuan.


"Oy little Kathy! Salamat dito ah, hihi." sabi niya tapos nilantakan na yung pagkain.


"Haha! Walang anuman! Teka lang, bibili muna ako ng sandwich. Diyan ka lang ah?" tumayo na ako.


"Aye! aye!" at nag-salute pa siya.

Bumalik ulit ako don sa binilhan ko kanina.


Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon