Chapter 9
Lunchbreak na namin ngayon kaya nandito kami sa Cafeteria.Yes,dito na ako nagla-lunch kasama si Julia.
"Juls,salamat pala sa pagtatanggol sakin kanina ha?Hindi mo na dapat ginawa yun.Baka magalit yun sayo,sige ka."sabi ko sabay kagat nung sandwich.
"Ano ka ba Kath,what are friendsfor?Siyempre ipagtatanggol kita noh.Yung Jacinth kasi na yun,KSP ata."sabi niya sabay sip nung orange juice.Hindi kasi siya mahilig sa ice tea.
"Anong KSP?"ako
"Kathryn Sobrang Panget!HAHAHA!"Julia
"HA?Ang sama mo!Geh!Hindi na kita kaibigan!"ako,nag-pout ako.
Alam ko namang nagjojoke lang yan eh.Gusto niya lang tumawa ako para makalimutan ko yung dalawang kahihiyan-scene with Daniel,at scene with Jacinth.
"Dejokelang!Ang ganda mo kaya.KSP means 'K'ulang 'S'a 'P'ansin.Kaya ayun,nagpapapansin.Kahit ano-ano nalang ang pinagsasabi."Julia
"Ahhh.Akala ko KSP means.."ako
"Means?"Julia
"Kathryn Sobrang Pretty!HAHAHA."ako,at nagtawanan kami.Pretty naman talaga ako ah,tanungin mo pa yung Nutella ko.
Hi Miss Nutella..
Ugh.
That text message,hindi pa talaga nabura sa isipan ko.
"Little Kathy,sayang naman at hindi tayo nagka-partner noh.Makaka-visit na sana ako sainyo.Tssk.Sayang talaga."Julia
"Anong makaka-visit?Hindi ba dito sa school gagawin ang pictorial?"ako
"Nope,hindi.Ikaw Kath ha,matanda ka na ata.Nakalimutan mo yung sinabi ni Ma'am kanina?Diba dapat may story rin yun at di basta-bastang picture ka lang ng picture."Julia
Ay tama pala,sinabi pala yan ni Ma'am kanina.Dapat raw may story yung project namin na pag nakita mo na yung picture,may story kang makukuha dun.Nakuha niyo?Aish.Ang hirap i-explain.Magosh.
BINABASA MO ANG
Not My Story
Novela JuvenilNot all your expectation will turn out the way you want them to be.