"If being honest is good,
then why do people get hurt
after knowing the truth?"EPILOGUE
I'm just a simple and ordinary girl dreaming to have a fairytale-like lovestory someday. That someday I'm referring might be this day, I guess?
Hoo! Pati ba naman pagmomonologue ko ay nag-eenglish na ako? Kasi naman, may conclusion na ako sa sinabi ni Ate Tori. Nako Ate Tori naman! Parang lulundag sa saya ang katawan lalo na ang puso ko sa tuwing iniisip iyon.
Grabe! Parang mababaliw na ako eh!
Pero, tama kaya itong conclusion ko? Sana...
"Asan na ba ang dalawang 'yun?" I'm trying to find Juls and Quen. Nawala na kasi.
Walang pag-alinlangan ay tumayo na ako saaking inuupuan at naglakad na para naman mahanap sila. Kabago-bago nilang magkakilala, close na agad? But it's okay, now I have more than one friend!
"Miss! Sayaw kita!"
"Sa akin lang!"
"Oy ako ang nauna!"
"Ikaw nga pero mas bagay kami eh!"
"Brad! Sakin siya tumingin kaya ako ang magsasayaw sakanya!"
"Sira! Mas una siyang tumingin saakin!"
Rinig kong bangayan ng dalawang lalaki ng dumaan ako. Wait, ako ba ang 'miss' na tinutukoy nila?
Lumingon ako sa gilid, sa likod, ako lang ang babae na mag-isa. Baka ako nga.
"Ako po ba?" tanong ko kaya tumigil sila. Tinuro ko pa ang sarili ko.
"Yep! Ikaw Princess!" uminit ang mukha ko ng marinig ang tawag niya.
"Sorry, hindi ako pwede eh." bago pa sila makapalag ay nakalayo na ako. Ang hirap maging maganda noh?
ABA! ANG KAPAL MO ATA KATHRYN.
Saway ng inner voice ko. Tch. Minsan lang naman eh.
Napadaan ako sa isang empty classroom, asan na ba ako? Hanggang sa napunta na ako sa field pero hindi ko pa rin nakita ang dalawa. Okay, masakit na masyado itong heels ko. Fine, wag na nga lang kayong magpakita ng magkadevelopan narin kayo! Haha!
"Makabalik na nga lang." sabi ko at naisipang bumalik sa Court.
Pagbalik ko ay napadaan ako sa bakanteng lot. Nagtaka ba kayo kung bakit hindi ako natatakot? Naka-open kasi ang lights. But this vacant lot, ito lang ata ang part na walang light.
Iniba ko ang aking landas dahil natakot ako, ngunit napatigil ako ng may narinig akong nag-aaway. Lovers ata to.
"Ano ba ang problema mo? Akala ko bang iniiwasan mo na siya tapos ngayon matatagpuan ko na lang na magkasama kayo?!" bulalas nung babae.
Lovers nga ito. Parang nagseselos ata yung babae dahil may kasamang iba ang guy.
"Magpapaliwanag muna ako. Hindi mo alam ang buong storya kaya wag ka munang magsalita ng ganyan." kalmadong sabi ni Guy. Whoa. Matiisin, hindi padalos-dalos. Saludo ako!
"Magpaliwanag? EXPLAIN? PSH! Nauumay na ako sa mga paliwanag-paliwanag na 'yan! Puro kasinungalingan lang naman ang lumalabas jan sa bibig mo! Argh!" matigas na sabi nung babae.
Nakonsensya ako dahil sa pakikinig sa usapan nila. Babalik na nga lang ako, at baka mahuli pa nila ko. I take one step but again, I froze. Napako ang mga paa ko dahil sa sunod na narinig. P-paanong...
BINABASA MO ANG
Not My Story
Fiksi RemajaNot all your expectation will turn out the way you want them to be.