Chapter 34

562 15 4
                                    

You can play the song on the right side -> Today was a fairytale by Tailor Swift

---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 34

"KATH! A-are you okay?"

Naka-imprinta sa mukha ni Daniel Cleore ang labis na pag-aalala. Taranta siyang lumapit saakin at inalalayan akong mapatayo.

Natulala ako. Nagsisimula nanamang bumilis ang tibok ng puso ko.

BAKIT BA PARATI NA LANG SUMUSULPOT SI DANIEL?

Nakaka-windang. But tss, ba't hindi na ako nasasaktan dahil don sa sinabi niya noon?

Yung hindi raw para saakin ang halik sa pisngi na ginawa niya?

I'm insane, right?

Naglaho talaga ang sakit na naramdaman ko at pinalitan pa ng labis na pagmamarathon ng puso ko. Binabaliw niya talaga ako lalo na tong puso ko.

"O-ouch! Ang s-sakit!"

Bumalik ako sa realidad ng sumakit ang paa ko. Tinignan ko ang aking paa—may sugat pala ito! Ghad!

Paano nangyari yun? Nakaka-inis na bato!

"May sugat ka Kath! Gamutin natin 'yan dali!" sabi ni Daniel habang hawak ng kanyang kanang kamay ang aking bewang tapos hawak naman ng kaliwang kamay niya yung kaliwang kamay ko.

I swear na hindi ko na mabilang ang heartbeats ko bawat segundo. I tried my best para hindi niya mahalatang apektadong-apektado ako sa bawat kinikilos niya.

Iika-ika akong naglalakad habang inaalalayan niya.

Pero ugh, hindi kaya ng paa ko! Masakit po talaga.

"Saglit lang!" sabi ko tapos sinubukang umupo. "H-hindi ko kaya Daniel, masakit talaga yung sugat ko. Mauna ka nalang dahil madilim na, magpapahinga lang ako sandali dito."

Narinig kong bumuntong-hininga siya, nalungkot ako ng konti at baka iiwan na lang niya ako dito. Yumuko ako. Wag mo kong iwan dito Daniel please.

Bumalik nalang ang sigla ko ng maramdaman kong may tumabi saakin na sigurado akong siya ito. Err. Yung puso ko. Malala na tong sakit sa puso ko.

Ano ba talaga ang ibig sabihin nito?

Kung alam ko lang...

Dumistansya ako ng konti. Pakiramdam ko kasi na pag hindi ako didistansya ay sa ospital talaga ang bagsak ko.

Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon