Chapter 27

553 18 13
                                    

Chapter 27


"Little Kathy, nasabi ko na ba sa'yo kung kailan at saan magaganap 'yung Party?" tanong sa'kin ni Juls habang naglalakad kaming dalawa patungong parking lot.


Dada lang siya ng dada diyan tungkol sa Party. Eh hindi nga ako a-attend nun diba?


"Hindi pa. Kailan nga ulit magaganap 'yung pangyayaring ayokong um-attend pero dahil makulit ka ay pakikinggan ko na lang ang sasabihin mo?" sarkastiko 'kong sabi kay Juls na ngayon ay tumitingin lang sa mukha ko at parang tatawa na.


Nag-eenjoy ata ang bruha.


"Hahaha!" tawa niya na may pahawak-hawak pa sakanyang tiyan. "Hahah---okay okay! Ehem."


Nagbiro pa. Loka 'tong si Juls eh noh?


"Ahmm, little Kathy. Diba binilhan kita nang damit para 'dun sa Party? Nako! Mali pala 'yung nabili natin eh." parang maiiyak na sabi niya.


Over Juls, over.


"Anong mali? Maganda naman 'yung nabili mo ah!" sabi ko para hindi siya umiyak. Hihi.


"Oo nga, maganda naman talaga 'yun. Ako kaya ang pumili nang mga damit na 'yun!" pagmamayabang niya sa'kin. Ek?


"Oh I get it, Juls. Yeah, maganda ang napili mo blah blah. Haha!" panunukso ko, patuloy pa rin kami sa paglalakad.


"Eh! Little Kathy naman, maganda naman talaga diba?" tanong niya dahil gusto niyang makasigurado. Oo na.


"Oo na nga Juls eh. So? Maganda na nga 'yung nabili mo tapos mali 'yun?" tanong ko sabay taas ng isang kilay.


"Oo mali! Eh kasi, dapat raw tayong naka-long gown dahil formal pala na Party 'yun!" sabi naman niya.


Formal? Long gown? Princess?


Napangiti naman ako sa ideyang 'yun. Hindi ako party-girl pero, nakakaramdam ako nang excitement para sa Party na 'to ah.


"Yung parang Fairytale ba Juls?" nakangiti 'kong tanong kahit na, hindi ako a-aattend dun sa Party. Buo pa rin ang pasya ko.


Wala naman atang masama kung magtatanong ako tungkol dun diba? Fairytale daw eh!


Humawak muna siya sakanyang baba na para bang nag-iisip? Bago sinabi ang, "Oo, kaya dapat bongga ka dito ha! Pamumukhain kitang Prinsesa!"


Huh? Ako? LANG?


Paano na siya?


Atsaka ANOBA! Hindi naman ako a-attend eh!


Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon