Chapter 23

558 20 18
                                    

Author's Note:

Kamusta ang first day kanina? Keri lang? Haha! New faces right? Dug dug dug. Yeah, yeah. Salamat ulit sa mga nagbabasa! Labyu all! Don't forget to Vomment guys, 'yun lang ang inspirasyon ko sa pagsusulat. And oh, kamustahin natin ang new cover! Oks ba? Haha!

Enjoy!

Chocolates and Love,

~Ate Kate/Kate

-------------------------------------------------

Chapter 23


"Kathryn Kate, you have to move out from this Mansion and learn to live on your own."


Ma-awtoridad na sabi ni Daddy habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.


Napatigil ako, lahat nang sayang naramdaman ko kani-kanina lang ay naglaho na.


Awtomatikong namuo ang mga tubig saaking mga mata hanggang sa tuluyan na silang nag-uunahang mahulog.


Bakit? Bakit kung kailan inakala kong malulutas na ang problema between me and Daddy ay saka pa merong panibago?


Do I really deserve this? Ano ba ang nagawa ko?


"Aahh D-Dad. What do y-you mean po? Hindi ko k-kayo maintindihan Dad." naiiyak kong sabi. Wala na, suko na ako.


Hindi ko na kayang ngumiti pa sa ganitong sitwasyon, sitwasyong pinapaalis ako nang aking ama sa aming Mansion!


Seryoso lang siyang nakatingin saakin, sa kabila nang pagka-blurry nang paningin ko dahil umiiyak na ako ay kita ko pa ring seryoso siya.


"Manang Prences!" sigaw niya kay Manang na ngayon ay kakababa lang sa hagdan namin habang bitbit ang isang kulay itim na maleta.


What?! Pi-nack na niya ang mga gamit ko?


"Daddy naman, b-bakit niyo po ba ako p-pinapaalis? May nagawa po ba akong mali, Dad?" tinakpan ko ang aking mukha gamit ang aking mga palad. Napahagulhol na ako. "Daddy please, d-di ko pa kaya."


"Stop that childish thing, KATE!" galit na sigaw niya saakin.


Nagulat ako sa biglaang pagtawag niya saaking second-name. Tinatawag lang niya kasi ako nang, Kate, pag nagagalit na siya nang todo at kung may nagawa ako.


Ano ba ang nagawa ko?


"Grow up! Learn to grow up, okay?! Now get your things and leave now!" 


So, tungkol lang ba sa pagiging childish ko ang isyu dito? Hindi ko siya maintindihan, ang babaw naman ata kung 'yun lang ang idahilan niya.


Do I really have to leave from this Mansion para lang maging mature ako? Nonsense Daddy, nonsense.

Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon