Chapter 37

406 10 7
                                    

Chapter 37

K: Ikaw ba 'yan, Daniel Cleore Dela Vega?

Huling reply ko kay T.A. Muka akong tanga na nakatutok lang sa iPhone ng halos umabot na ng 30 minuto para sa reply niya.

Hindi siya nag-reply...

Kainis. Madali lang naman i-type ang 'NO' diba? Two letters lang yun! Ba't hindi niya kaya?

Dahil si Daniel nga siya?

Tumayo na lang ako. Wala ng silbi itong paghihintay ko dito, nagmumukha tuloy akong pulubi na nakapasok sa isang Private School. Naisipan ko na lang na magtungo na sa Parking lot.

Nasa Hero's Park na ako ngayon ng School namin. Actually, meron namang shortcut patungong Parking Lot—yung kadalasang dinadaanan namin ni Juls—pero kasi, gusto kung maglibot muna mag-isa ng makapagisip-isip na rin ako.

"Sinabi mo na lang sana ang katotohanan T.A, o Daniel." napabuntong-hininga ako. "Hindi mo lang alam kung gaano ako masisiyahan pag nalaman ang katotohanang ikaw at si T.A ay iisa."

Pumasok na lang muna ako sa Park at umupo sa bench malapit sa slide. Maganda rin dito, maraming bulaklak sa paligid. May malalaking puno na nagtatakip ng direktang sinag ng araw.

"Mahal mo rin kaya ako, Daniel? T.A? Kasi ako? Tsssk! Iniisip ko palang na ikaw nga si T.A, mahal na kita eh! Nakakainis ka, matagal na kitang mahal, mula pa ata nung una kitang nakita nang pumasok ka sa classroom."

I paused. Wala naman atang makakarinig saakin dito kasi walang tao. Umuwi na ata sila kanina pa.

"Love at first sight?" napangiti ako at tumawa ng mahina. "Ewan! Basta bumilis ang tibok ng puso ko na para bang sumali sa marathon! Kasalanan mo yun."

Napapangiti ako sa tuwing na-aalala yung nangyari noon.

Yung mga ginagawa ko sa tuwing nakikita siya, at siyempre, yung halos hindi na ako makahinga dahil sa nag-uunahang tibok ng puso ko.

"Pero kahit na anong gawin ng puso kong pagtibok, kahit nababaliw na siya kabibilis ng tibok niya para lang mapagtanto ng utak ko, hindi ko pa rin sila pinansin. Alam mo ba kung bakit? Kasi..."

iPhone buzz...

Bago ko pa maipagpatuloy ang aking mga sinasabi ay napatigil ako dahil pagbuzz ng iPhone. Sana si T.A ito!

Binasa ko muna kung kanino nanggaling, yes, si Taong Alien nga!

BEEP(1)
From: T.A
2:18 pm

Magkita tayo sa malaking puno, yung punong nasa bandang likod nitong school. Alam mo ang tinutukoy ko Ms. Nutella. 4:30 pm pagkatapos ng klase. Gusto mo na akong makilala diba? See you there.

Lumundag na dapat sana ako sa saya pero pakiramdam kong umurong yung mga paa ko. Akala ko ba masaya na ako?

Magpapakita na siya oh! I'm sure si Daniel ito!

Bumilis ang tibok ng puso ko. Oh God. For real? Magpapakita na talaga siya saakin?

Magpapakita na si T.A, si T.A na alam ng kutob kong si Daniel. Sana nga, sana siya nga!

"Ghad! Kinakabahan ako anoba..." tumayo na ako at naisipang pumunta na ng Parking Lot.

I've got a big day tomorrow.

Bago pa ako umabot sa Parking lot ay may nakita akong isang pamilyar na tao. Wait, kilala ko to ah.

I mean, kilala ko lang yung suot niya. Ay tama! Siya yung kanina na kasama ni Juls kumain! Si boy-hoody-with-printed- mustache sa may batok.

Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon