Chapter 24

570 20 4
                                    

Author's Note:

Dahil mabait ako ngayon, haha. (Nabitin kasi ako eh, yeah, nagbabasa rin ako sa storyang 'to noh) Hihi. Oh ito mga naggagandahan 'kong readers, another UD for this evening.

Enjoy!

Alabyu,

Ate Kate/Kate

-------------------------------------------------

Chapter 24

Para saan ba at ginawa ni Daddy ito?

"Mommy ko! Si Daddy pa po ba talaga 'yon? Mahal niya pa ba ako? Bakit niya g-ginawa 'to?"

Umiiyak lang ako habang nagda-drive papalayo sa Mansion namin. Halos hindi ko na alam kung ano na ang gagawin ko ngayon. Sobrang sakit nang nararamdaman ko.

Pero titiisin ko na lang, yun lang naman ang role ko sa buhay 'diba?

Ang tiisin lahat nang sakit.

Pi-nark ko na ang aking kotse sa parking lot nang isang building.

Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa ganitong lugar, sinunod ko lang naman kasi ang nakasulat dun sa maliit na paper na pinaabot ni Daddy kay Manang kanina.

Siguro na-curious ako kaya pinuntahan ko na lang iyon, o di naman kaya dahil wala na akong mapuntahan.

Gusto ko sanang itext si Julia about dito pero natutulog pa siya ngayon, ayoko namang istorbohin siya kaya no choice ako at pumunta na lang dito.

Pinunasan ko na ang aking mukha, nagsuot pa ako nang shades bago bumaba sa kotse. Mugto kasi ang mata ko tapos ang laki pa nang eyebags ko, nakakahiya naman.

Wala na akong pakialam kung nagmumukha akong ewan sa lagay kong 'to na naka-shades sa madaling-araw tapos papasok pa sa loob nang building.

Kinuha ko na ang aking maleta mula sa backseat nang aking bagong Black Ferarri. Naglakad ako papasok sa loob nang building.

But wait, parang pamilyar ang gusaling 'to ah. Tinignan ko ulit yung maliit na papel kanina kung nagkakamali ba ako nang napuntahan pero, hala. Tama.

"Wait, wag mong sabihing, Brrr! Masyado ka na atang nadala sa sitwasyon mo Kath kaya nag-iisip ka nang mga imposibleng bagay." I shaked my head matapos kong sabihin yan.

Tinopak nanaman ata ako. Hindi lang naman ata nag-iisa ang building na 'to eh. For sure na marami itong branches, at hindi ito yung building nang Condo ni Daniel.

Oo!

Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang bitbit ang aking maleta, pinagtitinginan pa nga ako habang naglalakad.

Ngayon lang ba sila nakakita nang taong naka-shades? Ay tama, madaling araw na pala ngayon. Sinong nag-eexpect nun?

Muka akong ewan. May isang staff mula dito sa building ang lumapit saakin, natakot naman ako dun at babalik na lang sana sa Parking lot pero bigla itong nagsalita.

"Excuse me Miss, ikaw po ba si Ms. Santos? Sir Sebastian's only daughter?"

Natigilan ako kaya liningon ko siya. Kusa namang tumango ang ulo ko, I know that she is a stranger para pansinin ko pero pinansin ko pa rin siya. Ngumiti siya sa'kin.

Muka naman siyang harmless eh, ba't ba ako natatakot?

"Yes po. Paano niyo nalaman? Hindi naman ako sikat ah," nagtatakang tanong ko sakanya.

Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon