Chapter 38"Nako iha! Namiss kita sobra!" sabay yakap ng mahigpit saakin ni Manang nang makalapit ako sakanya.
"Oh? Anong nangyari? Mukang matamlay ka ata. Gutom ka ba? Inaalagaan mo ba ng mabuti ang sarili mo? Iha! Hindi mo lang alam kung ilang beses ka nang pumapasok sa isipan ko sa tuwing nagluluto ako! Nag-aalala talaga ako sayo! Payakap nga ulit."
At niyakap ulit ako ni Manang. Gusto kong ngumiti, tumawa, o kahit anong pwedeng gawin maipakita ko lang na masaya ako na nabisita si Manang.
Matagal-tagal rin kasi kaming hindi nagkita.
Pero, ayaw ng mga labi ko eh. Bakit kaya? Dahil ba kanina? Dahil ba disappointed ako sa katotohanang nalaman ko?
"Alam mo iha? May nagbago sayo." mahinang sambit ni Manang matapos kumalas.
"Po?" buti naman nakapagsalita na ako.
"Hindi ko matukoy ng maayos iha, eh. Pero basta! Nandyan 'yun, nararamdaman kong may nagbago sa'yo." ngumiti siya. "Natutuwa ako dahil maganda ang pagbabagong iyon sayo."
"Buti nga po, Manang. By the way po, kumusta na po pala kayo? Namiss ko rin po kayo. Si Daddy po? Okay lang ba siya?" sunod-sunod kong tanong.
"Mabuti naman ang pakiramdam ko iha. Namimiss lang ang alaga kong si Kath. Ikaw! Haay, kung hindi lang sana.. tsk. Oh diyan ka muna ha? Kukuha lang ako ng makakain mo." tatayo sana si Manang pero pinigilan ko siya.
"Ay wag na po Manang! Katatapos ko lang mag-lunch eh."
"Lunch? Merienda na ngayon iha! Ginugutom mo ba ang sarili mo? Wag mo ng ulitin yan! Magkakasakit ka sige!" sermon niya pero mas nangingibabaw ang pag-aalala.
"Hindi naman po sa ganon Manang." tanggi ko. Nakalimutan ko lang namang kumain dahil kinakabahan ako ng sobra sa pagtatagpo namin ni T.A este Quen.
Napa-sigh na lang ako ng ma-alala yung kanina. Napatingin ako sa aking iPhone na hawak-hawak ko.
10 unread messages from T.A.
Wala na. Nawawalan na ako ng ganang basahin ang mga messages niya. Tssk. Dapat hindi na lang ako nag-expect eh, dapat HINDI NGA.
Napa-isip rin ako, ba't si Daniel ang inexpect kong maging si T.A? Hindi ba't malabo pala yun?
Yung mga text niya kasi. Tugma talaga sakanya.
Pero hindi pala siya yun, si Quen pala.
"Ba't nakatulala ka? Hindi bagay sayo iha. Oh, kain ka muna."
"Manang wag na lang p---"
"Hindi pwede sakin yan. Minsan lang kita nakikita kaya lubos-lubusin ko na lang." at nilagay na niya ang tatlong slice ng pizza at isang tasa ng freshmilk.
"Salamat po." kumain na lang ako kahit wala akong gana. Nang maubos ko na ang isang slice ng pizza ay ininom ko na rin ang Freshmilk. "Manang? May Nutella pa po ba dito? Pahingi naman po oh."
"Nutella? Mawawala ba 'yun? Siyempre meron! Teka lang, kukunin ko para sayo."
"Thanks po!"
---
Nakahiga na ako saaking kama ngayon. Kakauwi ko lang galing sa Mansion namin. Haay. Sana don na lang ako lagi.
BINABASA MO ANG
Not My Story
Teen FictionNot all your expectation will turn out the way you want them to be.