Chapter 39
2 months later...
Dalawang buwan na ang nakalipas simula nung nag-aminan kami ni Daniel sa labas ng Starbucks—kahit na maraming nakatingin.
Kahit na dalawang buwan na ang nakalipas ay di ko pa rin maiwasang hindi mapapangiti sa tuwing maalala ang pangyayaring iyon. Sobrang saya ko lang talaga nung araw na iyon na pwede na akong bawian ng buhay! Haha!
Loko lang. Magkakaroon pa kami ng happy ending ni Daniel noh.
Sa loob ng dalawang buwan, marami-rami rin ang nangyari. Gaya ng pagiging medyo close namin ni Quen na umaming si T.A siya, matagal na nga yun pero bakit hindi ko pa rin masyadong natanggap? Ewan lang. May bumabagabag pa talaga saakin sa tuwing iniisip kong siya si T.A.
And believe this or not, everyday akong binibigyan ni Daniel ng isang bouquet of roses diyan sa labas ng aking pintuan, well, sinong hindi kikiligin don?
Ikaw ba naman bigyan ng mahal mo ng mga ito? Mind-blowing!
Paano ko nalamang sakanya nga ito nanggaling? Dahil sa mga cards! May mga greetings pa nga eh. Haay.
Ang sarap namang magmahal sa taong alam mong mahal ka rin.
Minsan nga napapa-isip rin ako, paano nagtapos ang mga pangyayaring ito sa pagmamahalan naming dalawa?
Magiging kami kaya?
*Ding dong*
"Saglit lang!" sigaw ko nung marinig ang tunog ng doorbell.
Sinuklay ko muna ang aking buhok, nag-polbo, tapos naglagay ng lip balm. I don't know kung paano ko natutunang gumawa ng mga ganitong bagay.
Dahil ba sa araw-araw kong nakikita si Daniel kaya gusto kong kaaya-aya naman akong tignan pag nakita niya?
Siguro.
Patakbo akong lumapit sa pintuan at agad ring binuksan iyon. Pagkabukas ko, wala namang tao.
"Sino 'yun? May tao po ba diyan?" Wala. Hayst. "Mga bata lang siguro."
Babalik na sana ako sa loob ng may nakita akong isang garapon ng Nutella tapos isang bouquet of roses.
Napangiti ako. Alam ko na kung kanino nanggaling ito. Napatingin ako sa katapat kong Condo at sinabi ang "Thanks, Daniel."
Oo, may Nutella rin siyang binibigay saakin. Paano niya kaya nalamang mahilig ako sa Nutella? Hindi ko pa naman nasabi sakanya eh.
Kinuha ko na iyon at dinala sa loob ng Condo.
Nakakatuwa mang malaman na araw-araw kong nararamdaman ang pagmamahal ni Daniel, pero nalulungkot ako sa ideyang 'May balak kaya si Daniel na tanungin ako kung pwede bang maging kami?'
Hindi naman sa atat ako. Diba pag alam niyo na 'mutual ang feelings' niyong dalawa, ay kayo na ang susunod? Eh kasi, hayst. Ewan lang talaga. It's better to wait, ika nga na lang.
Bumaba na ako sa Condo, pumunta na ako sa may Parking lot at agad na nagtungo sa School. Today is Thursday, 18th of December 2014. May klase.
Nasa tapat na ako ng pintuan ng agad kong napansin si Daniel. Oh God. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nasasagot sa isipan ko ang katanungang 'bakit ang gwapo niya?'
Napansin kong ngumiti siya saakin at nagkatitigan kami. Dugdugdugdug. Bumilis na ang tibok ng puso ko. Parang may nakita akong sparks sa mga mata niya, ugh. Inlove na nga ako.
BINABASA MO ANG
Not My Story
Ficção AdolescenteNot all your expectation will turn out the way you want them to be.
