Chapter 26

561 22 7
                                    

Author's Note:

Oh? TWO UPDATES AGAIN. Pasalamatan niyo na ako! Chaar! Haha. And guys! Excited ako para sa next next UD dito! Hoho. Kapit lang kayo at patuloy na suportahan ang NMS. Vote, Comment, and Share.

Enjoy!

Ilovemyreaders,

~Ate Kate/Kate

-------------------------------------------------

Chapter 26

"PARTY?!" sigaw ko kay Juls na ngayon ay nginingitian lang ako. Tss!

"Yep! P-A-R-T-Y? Okay na? Haha!" tawa niya sa'kin habang ako naman ay nakabusangot ang mukha. "Atsaka, wag ka nang magulat diyan. Hindi naman 'yun pang mature na party eh, 'yung mga tipong may inuman, mga ganun? Minors pa ang trato nila sa'tin oy! Wala kang ibang makikita kundi puro Juice lang."

"Eh Juls, AYOKO." sabi ko sabay diin sa salitang ayoko.

"Haha! Hoy little Kathy, aba't hindi ata pwede 'yun noh! sige ka! Baka gusto mong bumisita kay Mr. Principal ha? 'Yung makikipag-shakehands, parang kino-congratulate whatever! Haha!" tawa nanaman niya. Seriously?

Meron po bang party sa school na involve ang Principal? Aish!

"What?! Involve si Mr. Principal? Paano nangyari 'yun? Aba! Nagbibiro ka na eh." sabi ko sakanya.

"Hindi kaya ako nagbibiro. Don't worry little Kathy dahil safe naman ang Party na 'to eh. Merong mga guards you know? Incase na merong estudyanteng magloko." paliwanag niya sa Party 'kuno'.

"Importante ba ang Party na 'yan?" tanong ko. Hindi pa ako convinced eh.

"Sobra! I almost forgot! May grades rin pala tayong makukuha dito. Even teachers ay pupunta kaya no need to worry." sabi naman niya habang nilalaro ang kanyang buhok.

"Grades? Wow! Grabe naman ang party na 'yan! May grades pa talagang nalalaman!" parang naiinis 'kong sabi. Eh kasi nga, hindi ko trip ang mga ganyan.

"Wag ka nang mainis, actually ayoko ring pumunta sa Party na 'yun eh, pero kailangan talaga." kalmadong sabi niya.

Kailangan? Kailangan dahil ano? Dahil sa grades?

"Juls kasi! Ugh! Paano kung gagawa na lang ako nang excuse, yep! EXCUS---" pinutol ni Juls ang sinabi ko.

"Little Kathy.." warning tone niya.

Ugh! Meron pa ba akong ibang magagawa bukod sa pagpayag na pumunta 'dun sa Party? Tssk!

Ayoko talaga anobayan oh.

"No"

---

Nasa aking Condo na ako ngayon, nakahiga lang saaking kama habang nakatanaw sa Ceiling.

Yeah, yeah. Hindi ako napapayag ni Juls na umattend nung Party. Ayoko nga eh. Never akong aattend nang mga ganun, never again.

Wanna know why?

Dahil nung nag-collapsed si Mommy, dahilan para mawalay siya samin, business party  yun.

Takot ako, takot.

Pero alam niyo ba na kahit tumanggi akong pumunta dun ay binilhan pa rin ako nang maisusuot ni Juls?

Isang laced royal black cocktail na sleeveless ang binili niya para saakin habang 'yung sakanya naman ay isang yellow dress na merong small black ruffles sa laylayan. Yellow. I hate it.

Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon