Chapter 20

683 24 25
                                    

Author's Note:

My head hurts so bad! Ugh. SORRY AGAIN! Angtagal-tagal 'kong hindi nakapag-UD. The past two Chapters (Chapter 18-19) ay nabasa niyo na noon. Resulta po kasi 'yan nang Editing na ginawa ko. Ito po talagang Chapter 20 ang UD ko ngayon. Mahaba pa pala ang lalakbayin nang storyang 'to, estimated ko kasing hanggang Chapter 40+ (Na-draft ko na sa'king Label) na 'to eh tapos may Epilogue pa. Akala ko noon na hanggang 30 lang.

Maayos na ang Plot! Magdiwang people!

LovesYou,

~Ate Kate/Kate

-------------------------------------------------

Chapter 20

 

Nakaupo kami ngayon ni Juls sa bleachers ng gym. May laro daw sa basketball ngayon.


Ayoko sana kaso hinatak na ako ni Juls papunta dito at hindi ako nakapalag sa malahiganteng muscles niya, Haha! Biro lang noh.

Ang sexy kaya ng kaibigan ko, isali niyo na rin ako para sumaya naman ako.

Isang linggo na pala ang nakakalipas simula nung pagbabangayan namin sa text ni T.A at pagkatapos nun ay everyday na niya akong tinetext, inaasar, take note EVERYDAY PA.

Kumusta ang buhay ko? Everyday badtrip!

Ilang Yakult na ba ang nainom ko? Halos hindi ko na mabilang sa sobrang dami.

Pero ang resulta? Everyday OA! Imbes OKAY eh naging OA. Kaya tinigilan ko na yun at nagpapapak na lang ng Nutella.

Pero himala 'tong araw na 'to dahil wala akong nareceive na text galing sakanya.

Which is good.

Errr! baka natauhan o di naman kaya na-alienan. Okay corny, bibigyan ko ng Nutella ang tatawa.

"Juls, matagal pa bang magsimula ang game? Pupunta muna kasi ako sa CR eh." sabi ko kay Julia na busy sa pagtingin dun sa baba?

Nasa bandang taas kasi kami ng bleachers para daw mas kita namin ng maayos yung laro.

Errr! Hindi ko naman gusto ang larong yan eh.Hindi ko kasi naiintindihan.

Oo, kahit gaano ko pang pilitin yung something like 3points, foul, free throw, whatever ay SHOOT lang ang nasagop ng isip ko. Tss.

Bakit ba kasi ginawan nila ng laro ang bola at basket? Alam mo yun? Nalilito talaga ako, seryoso.

Bakit di na lang nila gawan ng laro ang Nutella at ako? Yung pagalingan at pabilisan ng pagpapak sa Nutella?

At tatawagin itong Kathella Game! Oh diba? Kesa basket at bola tapos Basketball. Pssh.

"W-what did you say Kath?" sabi niya nang hindi tumitingin sakin dahil abala siya sa pagtitingin sa baba.

May hinahanap ba siya?

"Not so important Juls, gusto ko lang magpaalam na pupunta lang ako sa CR saglit?" sabi ko habang tumitingin sakanya.

Totoo yun, na-iihi na kasi ako.

"A-ano ulit little Kathy?" tumingin siya sakin saglit lang na hindi pa umabot ng isang segundo tapos balik dun sa tinitignan niya kanina.

Ano ba ang tinitignan niya? May hinahanap siya?

"Juls, ano ba kasi ang tinitignan mo diyan? Nagmumukha ka ng giraffe you know?" sabay tingin ko sa baba at sinubukang tignan na baka may mahagilap ang mata ko na kakaiba.

Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon