Chapter 32

478 13 5
                                    

Chapter 32


"Mula Grade 7, doon ka na ba talaga nag-aaral?" tanong ni Quen sa'kin habang nagmamaneho. I don't have any clue kung saan niya ako dadalhin.


"Oo, mula pa Grade 7. Bakit? Ano bang meron?" kanina pa kasi siya tanong ng tanong. Nag-iinterview kumbaga.


"I'm just wondering, wondering kung bakit hindi kita napansin 'don sa school for the past 6 years. 6 years 'yun, don rin kasi ako nag-aaral mula Grade 7 din." mahabang sabi niya.

Paano niya ba kasi ako mapapansin kung sobra naman akong mahiyain noon? Hindi nga ako nagsasalita eh.

"Oh okay. Alam mo kasi, hindi talaga ako nagsasalita noon. Sobra akong mahiyain na feeling ko matutunaw ako sa tuwing may makakausap ako." sabi ko sabay half-smile nang maalala 'yung pagkatao ko.

Ang dami talagang nagbago, sobrang dami.

"Mahiyain? Pareho lang pala tayo Ms. Beautiful! mahiyain rin ako noon, nagkaganito lang ako—yung tipong naging madaldal tapos namimilosopo pa minsan, loko-loko ang iniisip pero hindi masyado ha?" tumawa siya ng konti at ako rin.

Can't believe na hindi na ako namumula sa tuwing tinatawag niya ako ng 'Ms. Beautiful'. Nasanay na ako for a short period of time.

"Haha! Kaya ka nagkaganyan dahil?" tanong ko. Hindi niya kasi natuloy ang sinabi niya.

"Dahil sa isang kaibigan. And I'm thanking her for this big change." I saw him smile, 'yung abot talaga mata ang ngiti niya.

Tumingin siya saglit sakin tapos balik sa daan.

"Her?" curious 'kong tanong. Lumingon si Quen sakin.

"Yes, her. Babae siya, kaibigang babae. Haay." his smile suddenly disappeared. Ano kayang meron dun sa babae?

Nagfocus nanaman siya sa pagmamaneho.

Gusto ko sanang magtanong tungkol dun sa kaibigan niyang babae pero wag nalang, baka seryoso yun.

Huminga muna ako ng malalim at nagisip ng mai-lighten ng mood ni Quen. Tumahimik kasi siya at parang seryosong-seryoso.

"You know what? We're just the same! Kaya rin ako nakakasalita ngayon dahil sa isang kaibigan." sabi ko to enlighten his mood. Tumingin siya sa'kin saglit tapos balik sa daan.

"Hahaha! Baka nga meant to be tayo Ms. Beautiful! Don't you see? Nagkita ulit tayo tapos pareho pa tayong nagbago dahil lang sa isang kaibigan." masayang sabi niya. He's definitely kidding me.

Buti naman at tumawa na si Quen. Balik sa pagiging abnormal mode nanaman oh.

"Che! Ayan ka nanaman ba? Ang seryoso-seryoso natin kanina tapos bumabalik ka sa pagiging abnormal? Hmp." nag-crossed arms ako at binaling ang atensyon sa bintana ng kotse.

"Nagtatampo ka?" rinig kong tanong niya.

"Hindi? Natutuwa lang po." sarkastik pero more on pilosopa.

"Okay sorry na! Pero sino ba yung kaibigan mo? Babae rin ba? Lalaki?"

"Babae" sagot ko na lang. Kunwari lang 'yung pagtatampo ko noh. Haha.

"Oh, sabi ko na nga bang meant to b---"

"Itutuloy mo yan o itutulak kita palabas nitong kotse habang umaandar?" tinaasan ko siya ng kilay. Biro lang yun siyempre, ayaw ko kayang makulong.

Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon