Chapter 25

557 19 4
                                    

Chapter 25

Nandito ang kotse ko naka-park sa Parking Lot ng MOA ngayon.

Bakit ako nandito?

Dahil nagpapasama sa'kin si Juls, sabi niya na magkita nalang raw kami dito.

Hindi pa kasi siya nakagawa nang project namin at ang sosyal lang, sa MOA pa talaga bibili eh pwede lang naman diyan sa maliliit na Store nang school supplies sa tabi-tabi.

Hindi ko pa pala nasabi sakanya ang tungkol sa nangyari kagabi.

Siguro, kaya rin ako pumayag na samahan siya para rin ipaalam sakanya ang tungkol dito.

1:36pm, ang oras ngayon. Puyat ako kagabi, remember? Ugh!

Ang sakit pa nang ulo ko. Makapikit na nga lang muna, tutal wala pa naman si Juls eh.

*Beep beep*

Halos sumayaw ang kaluluwa ko—okay, over na Kathryn—nang marinig ang busina nang kotse.

Nawala ang antok ko sa gulat. Liningon ko ang direksyon nang busina at nakita ang nakangiting si Julia. Kotse niya pala 'yun.

"Okay, I'm up! I'm up!" sabi ko sabay hands-up. Yung parang sumuko ka? Basta ganon.

Tinawanan lang ako ni Juls, ang kulit 'rin nang babaeng to eh. Hehe.

"Kanina ka pa ba nandito, little Kathy? Mukang inaantok ka pa ah. Hindi ka nakatulog kagabi? Puyat? Sorry naman kung ganon little Kathy. Dapat tinanggihan mo na lang ako eh." sabi ni Julia habang papalapit sa kotse ko. Napa-'Wow' siya nang makita ang kotse ko. Ang kintab pa kasi, bagong bili. "Oh? Bagong kotse?"

"Bagong bili ni Daddy. Actually, hindi ko naman kailangan nang bagong kotse. Ang tamad ko kayang magmaneho kaso," I paused. Ayokong umiyak, haay Kath. Isipin mo na lang na sa'yo na ang lahat nang Nutella diyan sa MOA. Go! "Kaso mukang isantabi ko muna ang pagiging tamad ko dahil kailangan ko 'to ngayon."

"Hmm, yeah. Sayang naman kung hindi mo ito gagamitin. And ano na ang nangyare dun sa SUV mo?" tumango siya tapos sumandal sa kotse ko.

Nasaloob pa kasi ako.

"Nandun sa Mansion. Tambay as always. Hindi ko alam kung magagamit ko pa 'yun ulit. Last time kong nagamit 'yun ay kagabi lang." kinuha ko na ang aking purse tapos binuksan na ang pintuan nang kotse.

Lumabas na ako.

"Ahh, sayang naman. Pero barya lang naman ata 'yun sa Dad mo eh. Hehe. Let's go!" at hinila niya ako papuntang entrance nang MOA.

Dumiretso agad kami sa store nang School Supplies, agad namang nabili ni Juls ang lahat nang kanyang kinailangan para sa Scrapbooking.

"543 pesos lahat Ma'am." nakangiting sabi nung Cashier.

"Heto po oh." inabot naman ni Juls ang kanyang 1,000 Php. "Keep the Change na lang."

"Ma'am? Hindi po pwede yun. Baka mapagalitan ako nang Am---o. Ma'am?!" parang gulat na sabi nung Cashier nang makita ang mukha ni Juls.

What's going on?

"T-thank you po." dugtong niya sabay yuko. Lumabas na kami 'dun.

"Anong nangyari 'dun sa Cashier kanina, Juls?" tanong ko habang palakad-lakad sa Mall patungong, hindi ko alam.

"Ewan ko 'dun. Haha!" tawa niyang sabi.

"Baka natakot sa'yo dahil muka kang multo? Haha! Bleeh!" pagbibiro ko sakanya tapos tumawa nang mahina.

Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon