Chapter 1

2.1K 116 71
                                    

Chapter 1

Kath's POV

"Life is like a mist,

Appear in just a day,                      

Then disappears tomorrow."

Ang buhay ng tao ay parang hamog. Nandiyan siya pero pagdating ng araw, mawawala rin pala. Hindi ako makapaniwala. Paano na to? Paano na ako ngayon? Ngayong wala na siya, oo wala na, wala na ang Mommy ko.


*Flashback*


We're here at the hospital rushing into the emergency room because my Mother suddenly collapsed while giving her speech about our business. Kinakabahan ako kahit na iniisip kong walang mangyayaring masama sakanya.


"I'm sorry Sir pero hanggang dito lang po kayo. Hindi po kayo pwedeng pumasok."sabi nung nurse at tinulungan siya ng kanyang co-nurse para mapasok na si Mommy sa room.

Walang nagawa si Daddy kundi ang sumunod, napa-upo siya sa waiting area sa labas ng room.


"Kath baby, mauna ka na lang sa Mansion. Ipapahatid na lang kita kay Manong. Don't worry too much, have faith in God okay? Hindi niya pababayaan ang Mommy mo." malumanay na sabi niya sakin, bakas sa pagkakasabi niya ang lungkot na nararamdaman dahil sa nangyari.

He gave me a kiss on my forehead. Daddy's right. Have strong faith in God because He knows the best for me, for us, and especially for Mommy.


"Go on anak."dugtong niya.


"Ok po." sagot ko. Sa batang edad na 12 years old ay enough na para maintindihan ko ang nangyayari saking paligid. Naiintindihan ko si Daddy, susundin ko ang mga sinabi niya.


"Prences, paki-assist naman si Kath." utos niya sa yaya ko.

Naglakad naman palapit sakin si Yaya Prences, bakas rin sa itsura niya ang pagkabigla at pagkalungkot lalo na't kaibigan rin siya nang Mommy ko.


"Yes sir,"sagot ni Yaya Prences. "Halika na Baby." hinawakan ni Yaya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad papalayo kang Daddy.

But before we take another step, I ran back towards my Daddy and hugged him.


"Mommy will be okay Daddy,fairytales always have happy ending."that's what my mother told me. And I believe it until now. Sabi niya rin na fairytale ang buhay namin. Ako ang prinsesa at sila ang aking King and Queen.


"Yes Princess."and hugged me tighter. He let go of the hug and so do I.

Dun na ako tuluyang naglakad papalayo sa kanya. Sumakay na kami ni yaya sa aming limo. Habang nasa biyahe, iniisip ko si Mommy na nakahandusay sa bed nang ospital. Nakakaawa ang itsura niya, nakakaawa.


Hindi ko namamalayang sa pag-iisip ko ay bigla pa lang tumulo ang aking luha. Pinunasan ko naman agad yun pero sunod sunod na pala ang pagtulo nila. Kaya punas naman ako ng punas. Bakit ako umiiyak? Bakit ako malungkot? Wala namang masamang mangyayari diba? Naging praning lang siguro ako dahil sa nangyari.


Wala to, WALA.


"Kath, okay ka lang? Gutom ka ba? gusto mo, huminto muna tayo para kumain?"tanong ni Yaya sa akin.

Tumingin siya sakin kaya tumingin rin ako sakanya, malungkot pa rin siya gaya nang reaksyon ko ngayon.


"I'm okay Yaya and I'm not hungry."malungkot na sagot ko.

Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon