Chapter 35

452 11 4
                                    

5 chapters to go...

I think?
Thanks for everything ;)) I really love y'all :*

Happy author with Nutella on her right hand,

~Ate Kate/Kate

------------------------------------------------

Chapter 35

Naka-tulala lang ako habang nakatingin kay Daniel na ngayon ay hinihingal pa rin. Ganun ba ka intense ang paghahalikan namin kanina?

I can feel the heat in my cheeks. I'm pretty sure that I'm blushing. Sino ang unang magsasalita?

Ano ang dapat kong gawin?

Tutunganga?

Kakain ng Nutella?

Arrrrgggh! Nakakasakit naman ng ulo itooo! HINDI ko inexpect ang halik na iyon!

"K-Kath..." siya na ang unang nagsalita kaya natauhan ako.

Nagsisimula nanamang mag-marathon ang puso ko.

Madami ang pumasok sa utak ko matapos ang halik na iyon. Madami. Pero isa lang ang pinaka-klaro sa lahat ng 'yun.

Yun ay...

Sa sobrang gulo nang mga nangyari ay natagpuan ko nalang ang aking sarili na tumakbo palabas ng gate niya.

Saan ako pupunta? Ang dilim! Takbo lang ako ng takbo na parang siraulo ng may nabangga ako kaya napatigil ako.

"Ms. Beautiful? Napano ka? Ba't ngayon ka lang--oy!" sabi ni Quen tapos sinalo ako. Sumakit ang sugat ko kaya bigla na lang akong na-out balance.

"Q-Quen! Buti nalang at dumating ka! Hindi ko alam ang gagawin kung hindi ka d-dumating." hinihingal kong sabi sakanya tapos lumingon sa likod at baka sinundan ako ni Daniel.

Sana hindi.

"Ssshh. Tama na yan Ms. Beautiful. Dapat hindi na lang kita dinala dito, dapat nag-Starbucks na lang tayo. Napahamak ka pa tuloy. Kasalanan ko to eh." paninisi niya sakanyang sarili.

No Quen. Ako ang may kasalanan. Dapat pinanood na lang kita kanina sa ilog para hindi mangyari ang lahat ng nangyari.

"Wag mo ngang sisihin ang sarili mo. Ako naman ang may kasalanan ng lahat ng to eh." bulong ko na lang at yumuko.

Kung hindi lang sana...

"Tara uwi na tayo. Tinext mo nalang kasi ako na magpapapunta ka eh. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinag-alala." hindi na ako nakapalag ng buhatin niya ako.

Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon