Chapter 29

494 14 3
                                    

Chapter 29

Nagising ang diwa ko nang maramdaman kong may mahigpit na kung anong nakapulopot saaking katawan. Hindi ko muna dinilat ang aking mata para mas lalo kong ma-feel ang bango ng unan ko. Strawberry scent babe.

Wait, strawberry? At kailan naman daw ako natutong ma-inlove sa strawberry?

Tss. Bahala na. Basta mabango.

"Thank you.."

Nanindig ang balahibo ko nang marinig ang isang pamilyar na boses mula saaking tenga. Sexy. Hinigpitan pa lalo yung pagkayakap saakin. Gusto ba akong patayin nito?

But sexy? si...

Ghadness men. Paano naman daw napunta si Daniel sa kwarto ko? Oo si Daniel. Boses pa lang oh.

Hmm...

Pwede naman sigurong dumilat diba?

Dahan-dahan kong idinilat ang aking kaliwang mata at nakita ang isang nakangiti ngunit nanatiling nakapikit na Dela Vega.

What the agfsyhsjsxrt?!

SI DANIEL CLEORE DELA VEGA?! Niyayakap ako? Nasa iisang kama kami? IISANG KAMA? HALA! Papatayin ako ni Daddy nito!

Taranta akong napabalikwas sa kama matapos kong inalis ang kamay ni Daniel sakin. Dali-dali kong inayos ang aking sarili at lalabas na sana nang...

"Goodmorning Kath."

Ugh.

Na-freeze ako at ang mas malala pa ay lumingon ako sakanya. Ano ba ang ginagawa niya sa kwarto ko?

Teka lang, ini-scan ko ang buong kwarto at napansing kulay pitch black? Yellow naman yung kwarto ko ah! Sinong nagpalit nito?

"Anong g-ginagawa mo s-sa kwarto ko?" naka-iwas tingin kong sabi sakanya ng mag-sink in saaking utak yung yakap kanina.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng aking dugo patungo saaking mukha. Waaah. Naman oh.

Bat ko ba inalala yung pagyayakapan namin kanina?! Kajirits. Kung pwede lang akong mag-maskara ngayon para hindi niya ako makita.

"Kwarto mo?" tanong niya nang maka-upo tapos sumandal sa headboard ng kama. Napahawak siya saglit sakanyang ulo.

"Oo" walang alinlangan kong sagot at naka-iwas tingin pa rin. Kakahiya naman to. Pwede bang maging invisible kahit ngayon lang?

Tumahimik bigla ang paligid. Awkward. Hindi ba siya aalis o ano ba ang dapat niyang gawin since nasa kwarto ko siya? Tss.

Ayoko ring tumingin dahil for sure makikita niya ang nagkakamatis sa kapulahan kong mukha.

"I-ibaba mo k-ko!" nanlaki ang mata ko at napasigaw na lang  bigla ng buhatin niya ako in-bridal style. Si Daniel ba talaga ito?

"Oh? Condo mo?" sabi niya matapos akong ibaba sa tapat ng sala nang Condo... ko?

"S-sinong nag-arrange ng mga 'to! Sabi na nga bang may nagnakaw sa Condo ko kahapon e-eh!"

Ano ba ang nangyari kahapon? Tssk. Bakit ba nandito si Daniel sa Condo ko?

"Wala kang na-alala?" tanong niya.

"Na-alalang ano?" todo iwas ko paring sabi. Shems. Bat ang tagal mawala ng dugo sa mukha ko?

"Kahapon! Yung ano... yung..." pahina na pahinang sabi niya. May nangyari ba kahapon?! Ugh!

"Yung ano? D-diretsuhin mo ko! O di kaya'y, diretso labas ka na lang sa Condo ko Daniel!" sabi ko.

Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon