Chapter 31

517 11 5
                                    

Author's Note:

Hello guys! Kamusta na? Mukang matagal na rin akong hindi naka-UD ah. Pasensya na po! Sana nandiyan pa rin kayo at naghihintay nitong UD ko. I LOVE YOU ALL !

Red roses and nutella love,

~Ate Kate/Kate

------------------------------------------------

Chapter 31

"I'm Quen."


Gulat ngunit nakangiti niyang sabi. Tinanggap ko ang nilahad niyang kamay para makipag-shakehands kahit na gulat pa rin ako.


"Paano ka napunta dito?" out-of-nowhere 'kong sabi. Nakakapagtataka kasi diba? Nakita ko lang siya sa mall noon tapos ngayon, dito na sa school?


"Dito ako nag-aaral. Bakit? Hindi mo ko kilala?" takang-taka namang sagot niya.


"Actually, hindi." pag-amin ko. Sino nga ba siya? Yung taong ang lakas bumanat?


"Okay! Good!" parang nagningning ang mata na sabi niya. "Mag-isa ka lang ba? Gusto mo hatid na kita?"


"Anong nakaka-good doon?" hindi ko pinansin ang pag-aaya niyang ihatid ako. Ano? Masaya siya na hindi ko siya kilala?


"You'll know soon." I frowned sa sinagot niya. Pssh, puro na lang sila soon. Si Juls, soon. Si Daniel, soon. Tapos pati ito? Soon rin? Isang malaking TSS.


Tumalikod na sana ako para bumalik na lang sa paghahanap kay Juls ng magsalita siya.


"Bat ba ang ganda mo?" nabigla ako sa sinabi niya, lumingon ulit ako. Nakatitig na pala siya sa'kin. I blush.


Maganda nga ba talaga ako?! Pinagpapawisan na nga ako kakatawa at kakatakbo kanina kaya nagbibiro lang to. Ang haggard ko ngayon I'm sure.


"Babanat ka na naman ba? Stop it! Ayokong tumawa, ang sakit na ng tiyan ko." iwas tingin 'kong sabi. Grr. I hate this face.


"I'm serious, Ms. Gorgeous. Kaya pala..." I heard him sighed. Kaya pala ano? "Haay. By the way, dito ka rin pala nag-aaral?"


"Bakit? Hindi ba obvious sa suot 'kong uniform?" pamimilosopa ko kahit wala sa tamang oras. Kailan nga ulit ako natutong mamilosopa?


"Don't you know na mas magaling akong mamilosopo? Kaya hindi ka uubra sa'kin, Ms. Beautiful!" sagot naman niya with a playful smile. I blush again. Sarap ilibing yang 'Ms. Beautiful' niya ah.


"Pwede ba? Kath na lang ang tawag mo sa'kin, Quen!" iwas ko nanamang tingin. Ang pula ko na po. Nakita ko sa side mirror ng kotse.


"Bakit? Dahil namumula ka?" in my peripheral view, I saw him smirked.


Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon