Chapter 30

543 15 9
                                    

Author's Note:

After reading this chapter, breathe in then breathe out people. Share this to others. Thanks guys.

Pretty Ms. Nutella sweets,

~Ate Kate/Kate

------------------------------------------------


Chapter 30


"REALLY LITTLE KATHY?! PAYAG KA NA?"


Bulalas sa'kin ni Juls nang sabihin ko sakanyang pumayag na ako.

Which is napapayag pala. I groaned.


Kung hindi lang ako naging echusera that freaking day edi sana ay hindi nangyari ang lahat ng mga nangyari, that day.


"Oo Juls. Don't shout." sabay talakbong ng ulo ko saaming armchair. Wala si Teacher. May ginagawa sa faculty.


Haay. Kung hindi ko nakalimutan yung kiss sa cheeks ay mas lalo kong hindi nakalimutan yung sinabi niya, yung sinabi niyang dahilan ng pag-iyak ko ng buong magdamag.

Nakakahiya mang aminin pero, selos ba ang tawag dun? Nagagalit? Ewan ko, wala talaga akong alam oo. Happy ending lang naman ang laman ng utak ko eh. Walang nasasaktan.


"Brokenhearted ka little Kathy?" bulong ni Juls. Napatingin ako sakanya.


"Broken what?" tanong ko. Buti na lang at lumabas si Daniel. Hindi niya maririnig itong pinag-uusapan namin.


Oo, hindi siya absent ngayon. Awkward oo, pero mas nangingibabaw yung sakit na naramdaman ko dahil sa sinabi niya. Mas tagos yun na ni pagkahiya ay naging manhid-manhiran ako.


"Imagine this little Kathy, pag ang isang maliit ngunit magandang glass pitcher, if ito ay malalagyan ng maliit na crack, mahahalata ba ito?" seryosong sabi niya. Nonsense pero alam kong may mas malalim siyang kahulugan.


"Hindi, maliit lang ang crack eh. Anong meron?" nagtatakang tanong ko.


"Wala, pero kahit ganun yun. Kahit gaano pa ka-liit ang crack ay mahahalata talaga." umupo na siya sakanyang armchair. Tumayo kasi siya kanina nung sumigaw-sigaw siya.


"I don't get it." yeah, wala akong naintindihan.


"Ibig sabihin nun, brokenhearted ka." may kinuha siyang notebook at nagsulat ng kung ano-anong ewan lang.


"Huh? Walang connect Juls. Puso tapos pitcher?" I paused. Nakikinig lang siya. "Atsaka, brokenhearted? Brokenhearted ka diyan! Wala nga akong lovelife, mabobroken kaya? Ang labo mo."


"Haynako little Kathy. Kailan ka pa ba naging tanga?" tumigil siya sa pagsusulat tapos tumingin sa'kin.


"Noon pa." pag-amin ko. Nakakahiya pero tanga naman talaga ako diba? Iih.


Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon