Chapter 19

678 23 2
                                    

Chapter 19

"Mahal ko na po si Daniel.."

Wala sa wisyo kong sabi habang hindi pa nawawala sa isip ko yung sinabi ni Daniel.

I'm expecting for an opinion from her pero tahimik lang si Ma'am. Anyare dito? Tinignan ko siya. Binigyan ako ni Ms. Alcala nang-nagtatakang-look. May mali ba sa sinabi ko?

"Anong sinabi mo Ms. Santos?"kunot-noong sabi ni Ms. Alcala, nagtataka o nagulat ata siya.

"Mahal ko na po si Dan--"naputol ang sinabi ko ng MAREALIZE ANG KALOKOHANG BINIGKAS KO KANINA. "--CHANEL!Mahal ko na po si Chanel!Siya po yung f-fictional character sa Wattpad Ma'am yung sa EX ko ang IDOL niyo? S-siya po yun!Geh pasok na a-ako!"taranta at nauutal kong sabi kay Ms. Alcala. Tumakbo agad ako papasok sa room. Langya Kath, langya.

"Teka,W-WAIT Ms. Santos!"sigaw ni Ma'am pero binalewala ko lang baka kung ano pa ang itanong niya.

MUNTIK KASI ULIT MAYGHAD.

About sa sinabi ko..

Anong ibig sabihin nun? Bakit ko nabanggit ang ganung bagay? Aish Kathryn! Walangya ka talaga! Wag niyo pong paniwalaan yun please, wag kayong mag-jump into conclusion. Ugh.

At sa part ko rin, wag magsalita ng CONCLUSION. Kung kayo ay tumalon pa, ako naman ay SINABI NA? Nakakaimbyerna! Hindi ko nga alam kung ano ang salitang 'Mahal' eh. Memory full na ako sa fairytales tapos ngayon, may love love na? Ano ba kasi ang pag-ibig? Kailan mo malalaman na ikaw ay umiibig?

Dahil ang totoo? Wala talaga akong ideya.

Porket bumilis ang tibok ng puso ko ay mahal ko na siya agad? Hindi lang naman DAW yun ang batayan pag nagmamahal ang isang tao diba? At hindi ko rin alam kung ano pa yung ibang batayan, sa ngayon, hindi ko masasabing mahal ko siya.

At sa ngayon..

MUKHA AKONG TANGA. Anong mahal mahal pinag-iisip ko ha? Pinagsasabi? Tanga lang Kath? May nalalaman ka pang BATAYAN ha.

Aaah! ERASE ERASE NGA! Kalimutan niyo lahat ng nasabi ko kanina. Wala lahat yun, wala.

Inhale..exhale..

Nakarating ako sa aking upuan habang hinihingal, nanginginig, kinakabahan, na-eewan, hindi mapakali. Nagsimula ng maglecture si Ma'am pero kainis lang, kanina ko pa ito napapansin eh, hindi ko alam kung tama ba yung pansin ko or sadyang assuming lang ako, Ugh.

Ano yun? Si Daniel. Kanina ko pa napapansin na tumitingin siya sakin. Hala. Ano kayang iniisip nito? Pagtitingin siya, parang tatawa siya konti o ngingiti. Baliw rin ba ito?

Ako naman dito, parang ginawang punching bag ni Pacman ang kawawa kong puso. Ang lakas lakas kumabog. Kung kanina si Bradley, ngayon naman ay si Pacman. Tss.

Daniel, tigilan mo na kasi ang pagtingin sakin. Unti-unti mo kong pinapatay sa kagwapohan mo! Binibigyan mo ko ng sakit sa puso kung alam mo lang. Hindi ko na lang siya pinansin kahit na gusto kong lumayas na sa room ngayon dahil na-iilang ako. Hindi parin nabubura sa isip ko yung kiss sa forehead noh, kasalanan ni Dela Vega yun.

Bakit ba kasi hindi niya ako binigyan ng dahilan? At ano naman ang pwedeng idahilan? Dahil may gusto siya sakin? O kainis lang ako dahil di kayang makalimutan yun? Heck. Inaamin kong di pang karaniwan yung kinikilos niya, kung kayo siguro ang nasa posisyon ko, feeling ko ay masasabi niyong may gusto siguro siya sakin noh? Pero hindi ko alam eh, ayokong mag-expect dahil ako yung tipong tao na..

I, Kathryn Kate Alfanta Santos, a simple student who believes in fairytales and happy endings, a simple girl who never expect because expectations are the root of all heartaches.

Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon