Chapter 22

660 20 11
                                    

Author's Note:

Hello hello hello! Mygosh. Klase na ngayong Monday! I HATE SCHOOL. Hahaha! Nakakasakit kasi sa braincells ang mga lessons eh. Pero fighting! Basta nandiyan si crush okay na lang, JOKE. Hahaha!

Thank you sa lahat nang patuloy na sumusuporta! Love ko kayo lahat ♥

Yourstruly,

~Ate Kate/Kate

-------------------------------------------------

Chapter 22

 

"Juls!" tumakbo ako palapit sakanya at niyakap siya nang mahigpit.

"S-sorry Kath dahil hindi kita napuntahan a-agad. Sorry little Kathy, n-nadala ako sa laro. Sorry t-talaga." malungkot na sabi niya at nauutal pa.

Kumalas ako at tinignan ang mukha niya, halatang may lungkot dun kaya nag-aalala ako.

May biglang kumawala na luha sa mata niya. Pinunasan niya yun pero may papalit nanaman.

Bakit ka umiiyak Juls?

Nararamdaman ko ang kalungkutan mo. May problema ka ba?

"P-pagpasensyahan mo na ako little Kathy. Parang may m-masakit kasi sa p-puso ko dahil sa n-nangyari, h-hindi ko maintindihan kung bakit ako g-ganito, akala ko.." niyakap niya ako kaya niyakap ko na rin siya.

Nagbreakdown siya kaya dahan-dahan kong tinapik ang likod niya para pakalmahin siya.

Ganun ba siya kaapektado sa nangyari?

Pero bakit pakiramdam kong may iba pa bukod pa dun? Yung mas malalim?

"Okay lang Juls, wag ka nang umiyak. Okay naman ako eh, uwi na lang tayo para makapagpahinga ka na." sabi ko para subukang pagaanin ang nararamdaman niya dahil pakiramdam kong ang bigat bigat nun.

Yung parang may nakatagong katotohanan sa puso niya pero ayaw lang niyang aminin dahil natatakot siya?

Ayoko na mang itanong yun. Rerespetuhin ko siya kung ayaw muna niyang i-share sakin.

"A-ano ba yan." sabay punas nang kanyang luha. "Ikaw ang dapat magpahinga l-little Kathy. Sige a-alis na tayo."

Nagsimula na kaming maglakad palabas ng Gym o court.

Walang ibang laman ang isip ko kundi yung nangyari kanina at ang ginawa ni Daniel sakin. Ang bilis ng tibok nang puso ko.

Alam kong wala akong alam kung ano talaga ang pag-ibig sa totoong buhay dahil hindi ko naman naranasan yun kahit kailan eh.

Pero, bakit pakiramdam 'kong..

Tahimik lang kaming naglalakad ni Julia. Hindi ko alam kung bakit tahimik siya pero ako?

Tahimik lang ako dahil sa katotohanang hindi ko na kayang itago pa sa aking sarili.

Nahuhulog na ata ako..

Yeah! Ano ba itong pinagsasabi ko? Anong nahuhulog? Nahuhulog sa kan---al?

"Waaah! Juu--ls. Ouchy. Yucky." sigaw ko but too late. Oh ayan!

Nahulog pala ako sa kanal, aish. Tanga Kath, tanga much.

"Oy little Kathy! Anong nangyare?" sabi ni Julia nang marinig ang sigaw ko.

Not My StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon