KAMPANTING nakaupo si Marlon sa kanyang swivel chair ng bumukas ang pinto ng opisina niya. Kaya agad siyang napaangat ng mukha.
"Gov, nagmamatigas si Flores. Ayaw niyang pumayag sa gusto niyong magpatayo ng plantasyon sa lupa niya." Imporma ng bagong dating. Agad naman nag-igting ang panga ni Marlon sa narinig.
"Kung matigas ang ulo niya. Pwes palambutin niyo," galit nitong aniya. "Dalhin mo ang mga tauhan natin at patahimikin mo siya kasama ng pamilya niya." Dagdag pa nito.
"Yes, sir." At agad naman itong tumalima at lumabas ng opisina ni Marlon. "Ang ayaw sa gusto ko ay madali lang naman akong kausap." Kausap nito ang sarili.
Maya't maya ay agad siyang tumayo mula sa kinauupoan at nagsalin ng inumin sa basong nakalaan para lang sa alak sa loob ng opisina niya. "Kung hindi ka lang nagmamatigas e sana hahaba pa ang buhay mo kasama ng buo mong pamilya." Ani Marlon sabay lagok niya ng lamang ng basong hawak niya.
SAMANTALA masaya ang mag-anak na Flores sa kanilang tahanan habang kanya-kanya ang mga ito ng gawain. Kampanting naglalaro ng chess ang magkapatid na Erwin at Eric. Samantalang si Edwardo ay masayang nakikipaglaro sa unica hija nitong si Christine.
Nakangiting nakamasid naman sa mga ito si Karen, ang maybahay ni Edwardo na ina ni Christine. Maya't maya ay agad itong nagtungo sa kusina at iginawa ang mga ito ng juice. Pagbalik nito dala ang ginawa niyang juice ay agad niyang inabutan ang mga ito ng maiinom.
"Thanks ate." Ani Erwin ng abutin niya ang juice ng gawa ni Karen. Isang tango at ngiti lang ang itinugon nito sabay abot naman niya ng isang baso kay Eric.
"Anak, hindi pa ba tapos yang ginagawa niyo ng papa mo?" Ani Karen sa anak ng balingan niya ito.
"Hindi pa po, Mama." Sagot naman ng tatlong taong gulang na si Christine. Kakikitaan mo ito ng pagkabibong bata.
"Ano ba yang ginaawa niyo little Princess?" Anang kapatid ni Karen na si Gaby sabay lapit nito sa mag-amang Edwardo at Christine.
"Gumagawa po kami ng bahay tito." Bibo nitong sagot. "Wow! Paglaki mo e pwede ka nang maging architect Princess." Puri ni Gaby sa pamangkin na agad pumalakpak.
Walang kamalay-malay ang buong mag-anak sa nakaambang panganib na darating. Nakangiti ang mga itong nagsama-sama sa malaking sala ng bigla silang paulanan ng bala.
"Ang baril, kunin niyo Erwin." Sigaw ni Edwardo na sabay bukas niya ng isang kabinet at ipinasok niya doon ang anak na walang kamalay-malay sa nangyayari. "Stay here. Wag na wag kang lumabas, naiintindihan mo ako Princess." Isang tango lang naman ang isinagot ng kanyang anak. Kasama ni Christine na ipinasok ni Edwardo sa loob ng kabinet ay isang maliit na bag kung saan nakalagay ang mga ducoments na gustong makuha sa kanya ng mga tauhan ni Governor Sunega.
"Putang ina, uubusin tayo ng mga hayop na'to." Sigaw ng kapatid ni Erwin na si Eric.
"Karen, dumapa ka." Ani Edwardo sa asawa sabay kasa nito ng baril. "Wag kang umalis dito." Saad pa nito sa asawa kung saan nakadapa ito sa likod ng malaking sofa.
"Ahhhh....!" Daing ni Erwin ng tamaan siya ng bala sa likod. "Kuya?" Sigaw naman ng kapatid ni Erwin sabay takbo nito upang daluhan sana ito ngunit isang bala ang tumama dito sa ulo. "K-kuya." Tanging namutawi sa bibig nito sabay pagkatumba nito.
"E-eric."
Dahil sa nangyari kay Eric at Erwin ay agad namang ikinasa ni Gaby ang hawak niyang baril. At walang habas niyang pinagbabaril ang nasa labas na mga kalaban. Dahil sa walang humpay na pagpapaulan nila ng bala agad na tinamaan sa dibdib at binti si Gaby na kinatumba niya.
"Edwardo, ano bang kailangan nila sa atin?" Tanong ng umiiyak sa takot na si Karen. "Sigurado akong mga tauhan ito ni Gov. Sunega. Ang mga putang inang kampon ni Satanas." Ani Edwardo.
BINABASA MO ANG
Me And The Bastard Billionaire(Completed)
ActionAndrie Dela Rosa➡Certified Playboy. "She's mine. And don't dare to touch her. I swear I will kill you."