Chapter 27

30.7K 848 637
                                    

HABANG hinihintay nila Andrie na matapus ang paghahanda ng nalalapit nilang kasal ng nobya ay inaya niya itong magbakasyon muna silang mag-anak. At ng sabihin ni Gemalyn na gusto niyang pumunta ng Europe ay agad itong sinang ayunan ng nobyo.

"Boss, family trip niyo yan. Dapat di na kami kasama." Ani Soren ng kausapin sila ni Andrie. "Yeah! It's a family trip bro, at isa pa. Ayaw kung pumunta ng Europe." Segunda naman ni Ryeo.

Natatawa na lang si Gemalyn na kanina pa pala nakikinig sa kanila. Napakamot naman ng ulo si Andrie dahil sa katweran ng mga ito.

"Kailangan niyong sumama, meron tayong makulit na bata dito. At alam niyong buntis si Gemalyn." Giit naman niya sa mga ito.

"Hon, mukhang meron ayaw makita doon ang mga binata mo. At mukhang nagbibinata na silang lahat." Ang natatawang ani Gemalyn na kinalingon nilang lahat. "Sige wag na lang tayo sa Europe pumunta. How about Bali, Indonesia na lang." Mungkahi nito.

"Kailan tayo aalis?" Halos panabay ng mga itong kinanganga ni Andrie. Si Gemalyn naman ay natatawang naiiling. Tama nga siyang ayaw lang talaga ng mga itong pumunta ng Europe.

"Oh! Hon, kailan daw tayo aalis?" Malambing naman nitong tanong. "Soon, honey. Ipapaayos ko lang ang mga papers natin." Sagot nito.

Maya't maya ay kinuha ni Andrie ang tawagan niya at tinawagan niya ang secretary nito. Agad niya itong inutusan na ipaayos nito ang mga papers nila at ipareserve sila ng hotel room sa Bali, Indonesia.

Matapus maaprobahan ang mga papers nila sa sumunod na mga araw ay agad silang lumipad patungong Bali, Indonesia.

Agad silang nagcheck-in sa hotel kung saan sila nakaserve. At dahil hapon na sila umalis ng Pilipinas ay kaya naman nagpasya na lang silang kinabukasan na lang sila maliligo sa beach at mamasyal.

KINABUKASAN ay matapus mag-agahan nila Andrie ay agad silang gumayak para magswimming. At ang prinsesa nila mukhang excited ito masyado dahil pagkagising lang nito ay nagsuot agad ito ng beating suit na binili sa kanya ni Gemalyn.

"Daddy, Mommy, let's go na po." Yakag nito sa kanila. Kaya natatawang binitbit ni Andrie ang mga dala nila at hinawakan naman ni Gemalyn sa kamay si Christine. "Yes! Yes! Yes! Magswi-swimming kami." Natutuwang ani Christine habang sumasayaw ito. Nagkatinginan lang sina Andrie at Gemalyn sabay tawa nila sa kanilang anak.

Nang marating nila ang beach ay agad nilang inilapag ang dala nilang mga gamit. "Hon, sundan mo yun. Excited masyado." Ang natatawang utos ni Gemalyn sa nobyo ng tumakbo si Christine sa dalampasigan at nagtatalon ito sa tuwa.

Agad din namang sinundan ni Gemalyn ang kanyang mag-ama. Mga ilang minuto rin nagbabad si Gemalyn ng makaramdam siya ng pagud. Agad din naman ito napansin ni Andrie. Kaya ng makita niya sina Ryeo ay agad niyang iniwan sa mga ito si Christine.

"Honey, okay ka lang?" May pag-aalalang tanong niya sa nobya sabay pulupot niya ng kamay sa baywang nito. "Um. Okay lang ako. Medyo nauuhaw lang ako." Sagot nito. Kaya agad siyang pinaupo ng binata kung saan nila iniwan ang mga gamit.

"Okay. Stay here, ikukuha lang kita ng maiinom mo." Paalam nito sa nobya bago umalis.

Pagkaalis ni Andrie ay nagsimula narin magsidatingan ang ibang guest ng resort kung saan sila nakacheck-in. At ng pabalik na ang binata ay makikita mong maraming kababaihang naroon ang napatanga sa kakisigan nito. Ngunit tila hindi nakikita ang mga ito ni Andrie. Kaya kampanting nakupo si Gemalyn dahil alam niyang siya lang ang mahal ng nobyo at proud siya doon.

"Daddy. Daddy." Napalingon naman siya ng biglang pumulupot ang isang kamay ni Christine sa hita niya. Natawa na lang siya ng makita itong nakangisi.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon