Chapter 20

34.6K 906 477
                                    

HABANG natutulog si Gemalyn ay maingat itong iniwan ni Andrie. Agad siyang lumabas ng kwarto at bumaba patungo sa malaking sala. Tamang-tama namang nandoon na si Jace. Kaya sigurado itong may dala na itong balita. Ganun kasi ito, hindi ito umuuwing walang dalang balita para sa kanya kung ano ang ipinatrabaho niya dito.

"Hey Boss." Anito agad kay Andrie ng makita siya nito. Agad naman itong tinanguan ni Andrie. "I found something about Lucy." Saad nito ng makaupo si Andrie.

"Ano yun?" Tanong naman nito. "Si Lucy ay inutusan ng ina ni Maricar para pumunta dito sa Pilipinas. Kapalit nun ang pagpapagamot sa ina niyang may sakit." Bigla naman naguluhan sa tinuran ni Jace si Andrie.

"Si Maricar, yung baklang humahabol sayo sa LA. Yung anak ng stepmom ni Iris." Anito. Bigla naman natampal ni Andrie ang noo. "At bakit naman niya inutusan na pumunta dito sa Pilipinas si Lucy. Ano koneksyon nun kay Mario aka Maricar?" Tanong nito.

"Gusto ng ina ni Maricar na siraan ka. Gusto niyang iblock mail ka. At kung maisakatuparan niya ang plano niya ay isang bagay ang kapalit nun." Paliwanag nito.

"Anong kapalit?" Curious nitong tanong kahit nahuhulaan na niya ang gustong mangyari ng ina ni Maricar. "Ang pakisamahan mo ang anak niyang patay na patay sayo." Kakamot kamot nitong sagot.

"That's bullshet. Hindi sa ayaw ko sa mga bakla. Pero ang makipagrelasyon sa kanila. No way, ayaw kung sayangin ang sperm ko. Dahil gusto kung magparami ng lahi. Kaya kahit ang anak niya ang natitirang nilalang sa mundo ay never kung papatulan." Anito.

"I know boss," pagsang ayon nito. "So, ano ang gagawin natin?" Dagdag tanong ni Jace.

"Pupunta tayo sa LA at gusto kung makaharap ang mag-inang iyon. Maybe it's time para pagbayarin sila sa ginawa nila kay Troy at Iris." Mabagsik nitong turan.

"Isasama ba natin si Doktora at baby ten-ten?" Maya ay tanong ni Jace. "Oo, kaya pumunta ka sa opisina at kunin mo kay Maya ang mga papers na kailangan namin. Ihanda mo rin ang papers niyong tatlo at tanungin muna rin si Ryeo kung magpapaiwan ba siya dito o sasama rin. At gusto kung next week ay ready na ang mga papers nating lahat sa pagpunta ng LA." Utos nito kay Jace. Agad naman itong tumalima.

Matapus makipag-usap ni Andrie kay Jace ay muli itong umakyat sa ikalawang palapag ng bahay niya kung saan ang kwarto niya. Ng makapasok siya sa loob ng silid ay nakita nitong payapang natutulog parin ang dalaga. Kaya maingat nitong hinaplos ang mukha ni Gemalyn. Sino siya para ipagpalit sa kalahi niya ang magandag tanawin na ito sa kanyang paningin.

"Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa tabi ko. Baka mabaliw ako. Kaya ginagawa ko ang lahat manatili ka lang kasama ko. I really like you or maybe more than like that. I think, I really love you. That's why I'm crazy inlove with you like this." Mahina nitong pagkausap kay Gemalyn na natutulog bago niya ito hinalikan sa noo.

KINAHAPUNAN ay maagang gumayak sina Gemalyn para sa family dinner date daw nilang tatlo. Habang nag-aayos siya ay nakamata naman sa kanya ang mag-ama. Inuna kasi nitong ayusan si Christine bago siya nag-ayos.

"I'm done." Anito sa dalawa. "Wow! Beautiful." Pumapalakpak na ani Christine.

"Thank you, baby. You are beautiful, too." Anito sabay halik nito sa ulo ni Christine.

"Shall we?" Agad naman umangkala sa braso ni Andrie si Gemalyn. At sa isang kamay naman ni Andrie ay hawak-hawak nito ang kamay ng prinsesa nila.

Sa MAV restaurant dinala ni Andrie si Gemalyn at Christine. Bawat nakakakita sa kanila sa loob ng restaurant ay napapatingin. Tila sanay naman sila sa mata ng ibang tao kaya kampante lang silang naglalakad.

"Tito. Tito Mark." Tawag agad ni Christine kay Mark ng makita siya nito. "Hey, baby." Agad na binuhat ni Mark si Christine pagkalapit nila dito.

"Your getting heavy, princess." Ang natatawang ani Mark. "Kati po, tito. Kumakain na po ako ng marami. Tabi kasi nila tito sa bahay ay kain daw ako ng marami para mabilit ako lumaki." Bibo nitong pagkwekwento kay Mark na napangiti.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon