KINABUKASAN ay agad humarap ang mga tauhan ni Marlon sa kanya. Dala ng mga ito ang inaakala nilang documents na kailangan ng governor. Hindi na nila ito binuksan pa upang siyasatin dahil meron nakalagay dito na confidencial documents.
"Mga ugok ano ito?" Sabay taas ni Marlon ng dala nila ditong documents kuno. "Mga hangal. Aanhin ko ang mga ito?" Nanlilisik nitong tanong. Dahil ng buksan niya ang documents ay puro card ang laman nitong, record ng asawa ni Edwardo mula ng magsimula itong magpachek up noong buntis ito hanggang sa ipanganak ang anak nila at makagraduate ito sa pagbakuna.
"Hindi talaga kayo maaasahan sa trabaho." Dismayado nitong aniya. "Pati ba ang anak ni Flores ay pinatay niyo?' Maya ay tanong nito. Agad naman nagkatinginan ang mga ito.
"Boss, wala kaming bata na nakita sa bahay ng mga Flores. Hinaluglog na namin ang buong bahay ay wala kaming nakita doon." Anang pinagkakatiwalaan niya.
"Hanapin niyo kung nasaan ang anak niya at dalhin sa akin. Baka sa kaling malalaman natin kung nasaan ang mga documents na kailangan ko." Utos niya sa mga itong mabilis naman tumalima.
"Matalino ka rin talaga Edwardo. Pero pasensyahan tayo, dahil once na makita ko ang anak mo ay hindi makakaligtas sa mga kamay ko." Kausap nito ang sarili sabay tawa.
SAMANTALA nagising si Andrie ng maramdaman niya ang maliliit na kamay na sumusundot sa mukha niya at mga mata. Kaya dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata.
"Aaaahhhhh! Biglang tili ni Christine ng bigla siyang kilitiin ni Andrie. "D-daaadddy." Anitong pinipigilan niya ang kamay ni Andrie.
Maya't maya ay pinaghahalikan niya ito sa mukha bago niya ito dinala sa pagbangon at binuhat.
"Good morning, Manang." Sigaw ni Andrie na kinangiti na lang ng kasambahay ni Andrie. "Good morning din sir Andrie. Handa na po ang agahan niyo ni little Christine." Anito sa mag-ama.
Kaya agad dumulog ang mag-ama sa hapag kainan. "Wow! Yum yum." Ani Andrie kay Christine sabay lapag niya dito sa upoang hinila niya.
Masaya si Andrie na pinagmamasdan si Christine na maganang kumakain. Laking pasasalamat niya at ngumingiti ito.
Matapos nilang kumaing mag-ama ay agad niyang inutusan ang tatayong yaya ni Christine upang mapaliguan niya ito. Agad naman itong tumalima. Kaya si Andrie ay muling umakyat sa kwarto niya at naligo.
Nang matapos maligo ni Andrie ay agad itong nagbihis. Tamang tama namang natapos siyang magbihis ay bumukas ang pinto ng kwarto niya.
"Daddy." Tawag sa kanya ni Christine. "Let's go baby." Sabay hawak nito sa kamay ng anak matapus niya makuha ang tawagan, wallet at susi ng sasakyan niya.
"Manang aalis na kami. At mamaya ay darating ang makakasama mo dito sa bahay. Kukuha ako ng dalawang makakasama mo." Paalam nito sa ginang.
"Okay po, sir." Sagot naman nito. Agad na tinungo ni Andrie ang kotse niya habang akay-akay niya si Christine. Agad niyang binuksan ang nasa kabilang side ng sasakyan at pinaupo niya dito si Christine. Kinabitan muna niya ito ng seat belt bago siya gumawi sa driver side.
Pagkasakay ni Andrie ay agad nitong binuksan ang gate gamit ang remote control bago niya inistart ang makina ng sasakyan. Ng mabuksan ang gate ay dahan-dahan niya namang pinausad ang sasakyan.
Gaya ng sabi ni Andrie ay agad itong dumaan sa bahay ng pinsan niyang si Frank. Agad siyang lumabas ng kotse bago siya muling gumawi sa kabilang side at inalis nito ang sinuot niyang seat belt kay Christine. Ng maalis niya ang seat belt ay maingat niya itong inalalayang makababa.
Dala ni Andrie ang mga documents na nakita niyang dala-dala kahapon ni Christine, habang akay-akay niya ang tahimik lang na si Christine papasok sa bahay ng pinsan niyang si Frank.
BINABASA MO ANG
Me And The Bastard Billionaire(Completed)
ActionAndrie Dela Rosa➡Certified Playboy. "She's mine. And don't dare to touch her. I swear I will kill you."