Chapter 26

29.3K 870 610
                                    

MADALING araw ay maagang gumayak si Eloisa. Daig pa nito ang isang ninja sa suot nitong full black. Mula ulo hanggang paa ay itim ang suot niya. Tahimik ang bawat madaanan niya. Tanda na tulog pa ang karamihan. Ng marating niya ang pakay ay maingat niyang itinapon sa ere ang dala niyang lubid hanggang sa sumabit ito sa isang bagay. Bahagya niya itong hinila upang tantyahin kung maganda ang pagkakapit nito. Ng masiguro niyang maayos ang pagkakapit ng tinapun niyang tali ay maingat niyang inakyat ang pakay gamit ang taling ginawa niyang hawakan.

Walang kaingay-ingay na narating ni Eloisa ang ikalawang palapag ng isang bahay. Pagkasampa nito ay dahan-dahan siyang naglakad patungo sa isang silid. Ng mararing niya ito ay maingat niyang binuksan ang sliding door na nagmumula sa terrace ng bahay na inakyat niya.

"Ang sarap ng tulog mo, gago." Anito sa isip at dahan-dahan siyang lumapit sa kama kung saan natutulog ang taong sadya niya.

"Sige magpakasarap ka lang matulog dahil bukas ay hindi kana magigising pa. Pareho lang kayong mag-ama mga demonyo." Nanggagalaiti nitong turan sa isip.

Maingat niyang inilabas mula sa kanyang dalang bag ang isang pantali. Agad niyag itinali ang kamay ng natutulog na sadya maging ang mga paa nito.

Agad naman nagising ang taong itinali ni Eloisa ang mga kamay at paa. Ng tangkain nitong gumalaw ay hindi na siya makawala mula sa pagkakatali ng mga kamay at paa niya.

"What---

Hindi nito naituloy ang sasabihin ng makita niya si Eloisa na kampanting nakaupo at nakatingin sa kanya.

"Hello! Mr. Sunega, nagulat ba kita?" Tanong agad dito ni Eloisa. "Sino ka?" Anang ginoo na puno ng pagtataka ang mukha.

"Taong naniningil ng pautang." Sagot nito. "What? Paano ako nagkautang sayo? Kung pera man yan ay sabihin mo at ibibigay ko ngayon din sayo. Pakawalan mo lang ako." Saad nito kay Eloisa na napailing lang.

"Don't be to fast Mr. Sunega. Dahil meron lang akong ipapaalala sayo bago ako aalis." Saad dito ni Eloisa. "Natatandaan mo ba ang pinagawan mo ngayon ng golf club?" Tanong nito.

"I don't know what your talking about." Kaila ng lalaki sa kanya. "Very wrong Mr. Sunega. Very wrong. Ginagalit mo ako niya e." Kalmado nitong aniya.

"Don't tell me na hindi mo natatandaan kung paano mo ipinapatay ang mga taong nakatira sa pinagawan mo ng golf club? Magagalit ako niyan kapag ipinagkaila mo pa." Anito sabay hawak niya sa mukha ng lalaki.

****flashbacks****

Isang proyekto ang gustong ipagawa ng ama ni Marlon noon. Ngunit hindi nila ito magawa-gawa dahil sa ilang pamilyang ayaw umalis sa lugar kung saan ipapatayo ni Mr. Sunega ang isang golf club.

"Sir, nagmamatigas po talaga sila. Ayaw nilang umalis sa lugar." Imporma ng taohan ni Mr. Sunega sa kanya. "Kung ayaw nilang umalis ay gawan niyo ng paraan na mawala sila sa lugar." Ma awtoridad nitong utos dito.

"Sige po, sir." Pagtalima naman nito at agad na umalis.

Kinagabihan ay agad tinungo ng mga taohan ni ginoong Sunega ang lugar kung saan nakatira ang iilang mamamayang ayaw umalis sa lugar na gusto niyang kunin.

"Gusto ko ng tahimik na trabaho. Walang gulo at walang ingay." Utos nito sa mga kasama. "Handa na ba yung ipinabungkal ko sa inyo?" Tanong pa nito.

"Tapus na po. Kasya kahit ilang ang itapon doon." Sagot ng isa sa mga ito. "Good. Tara na." Mando nito sa mga kasama na agad sumunod.

Bawat isa sa mga taohan ni Sunega ay pinasok ang limang kabahayan na nasa gitna ng lupang nasasakop ng ipinapatayo niyang golf club.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon