Chapter 16

34.1K 994 478
                                    

HABANG nakahiga si Andrie at katabi ang anak nitong pinapatulog ay hindi mawala sa isip niya si Gemalyn. At dahil nahuli na nga ng mga NBI si Marlon ay sigurado siyang magpupumilit ng umuwi ang dalaga sa bahay ng mga ito.

"Daddy, pwede ba sleep din dito si Mommy. Pleettt Daddy." Maya ay ani Christine na nagdilat ng mga mata. "Okay! Sabihin mo sa mommy mo." Utos niya dito. Mabilis naman itong bumangon sa kama at bumaba sabay labas nito ng kwarto ni Andrie. Napangiti na lang si Andrie na sinundan ng tingin ang kanyang anak na nagmadaling lumabas ng silid.

Pagbalik ni Christine ay hila-hila na nito si Gemalyn. Kaya lihim na napangiti ang binata. Dahil hindi niya alam kung ano ang iniisip ng anak niya. "Pilyang bata." Natatawa nitong aniya sa isip.

"Mommy, dito ka sleep." Ani Christine kay Gemalyn na muling bumalik sa kama.

Walang nagawa si Andrie at Gemalyn ng mahiga na si Christine. Inutusan sila nitong mahiga sa tabi nito. Kaya napapagitnaan nila Andrie at Gemalyn si Christine.

KINABUKASAN ay maagang nagising si Chritine. At dahil alam nitong gamitin ang cellphone ng ama kaya maingat itong bumangon. Dahan-dahan itong umalis sa kinahihigaan niya upang wag magising ang dalawang katabing natutulog.

Agad niyang kinuha ang cellphone ni Andrie at muli itong bumalik sa kama kung saan siya nakahiga. Gamit ang tawagan ng ama ay nagselfie itong panay hagikhik niya ng tahimik.

"Daddy, lapit ka kay Mommy." Pabulong nito sa tainga ni Andrie ng sumampa siya sa katawan ng ama. Bahagya naman idinilat ni Andrie ang isang mata sabay kindat niya sa anak na natawa ngunit agad niyang tinakpan ang bibig upang wag marinig ni Gemalyn.

Muling umalis sa kama si Christine kaya maingat na umusog si Andrie at lumapit kay Gemalyn. At dahil sa akala ng dalaga ay nasa tabi parin niya si Christine ay agad niyang niyakap ang katabi. Kaya agad iyon kinunan ni Christine ng picture sabay nagtatalon ito ng tahimik.

"Silly." Ang natatawang lihim na ani Andrie sa anak. Ng lumabas ng kwarto si Christine ay hinayaan na ito ni Andrie. Alam naman niyang hindi ito mapapahamak dahil marami ang tao sa bahay niya.

"Tito. Tito Simon. Tito Ryeo. Good morning po." Bati ni Christine sa dalawang binata ng makita niya ito. "Tito JB ano po dala mo?" Inosente nitong tanong sa bagong dating.

"Pandisal baby." Sagot naman ng bagong dating. Agad inabot ni JB ang dala kay Simon bago niya binuhat si Christine. "Bakit ang aga mong nagising?" Tanong ni JB dito habang buhat-buhat niya ito.

"Kasi po itong mata ko gumising tapos dina po pumikit ulit." Sagot nitong kinatawa ni JB. "Pero tito, meron ako pakita sa inyo." Pilya nitong sabi sa tatlong binata.

"Ano yun little Princess?" Curious namang tanong ng mga ito. Maging sina Jace, Soren at Calex ay nakiusyuso rin dito.

"Ipost mo sa Instagram account niya bro." Utos ni Simon kay JB na siyang humawak sa cellphone ni Andrie habang kandong nito si Christine. Agad naman itong sinunod ni JB.

"When the little Princess love selfie. #family #love #tenten"

Basa nila sa inilagay ni JB na caption ng picture kung saan katabi nito si Andrie at Gemalyn na natutulog. Hindi na muna nila ipost ang picture na magtabi si Andrie at Gemalyn. Dahil takot lang silang turukan ni Gemalyn ng anesthesia.

Matapus nilang maipost ito sa Instagram ay saka pumunta sa kusina ang mga binata at kasama si Christine. Agad naghanda ang mga ito ng breakfast nila.

"Tito JB, tino po 'to?" Tanong ni Christine habang nakaupo ito at naghahanda ng breakfast ang mga tito niya. Agad naman tiningnan ni JB ang tinuro ni Christine. Nakita pala nito ang picture sa cellphone niya dahil iyon naman ang hinawakan nito.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon