Chapter 9

34.8K 1K 663
                                    

DAHIL sa talamak na bintahan ng druga kahit saang parte ng bansa ay kaya naman halos wala ng pahinga ang mga autoridad sa pagtuligsa sa mga nagtutulak ng ipinagbabawal na gamot. Naging magkakasunod ang ginawa nilang pagraid sa mga lugar na pinagpupugaran di umano ng mga ito.

"Men, siguraduhin niyong malinis ang pagkakatrabaho natin sa misyong ito. At kung kinakaylangang walang putukang mangyayari ay gagawin natin. Siguraduhin niyong mahuhuli natin sila ng maayos." Ang command ni Renan sa mga kasamahan nito sa trabaho. Ang lahat naman ay tumango.

Lulusubin nila ang isang warehouse sa lungsod ng Maynila, dahil umano sa mayroong nakatago ditong mga droga. Ayun sa naitimbre sa kanilang report ay malaki daw ang palapurnalya sa naturang warehouse na pagawaan ng ilegal na droga.

Pagdating nila sa target ay agad na  pumuwesto ang mga ito para mapasok ang ang naturang warehouse. Wala kang maririnig na ingay mula sa mga ito tanging talas ng pakiramdam, galaw ng kamay at mata lang tanging daan para magkaintindihan silang lahat.

"1 2 3." Bilang ni Renan. Matapus niya magbilang ay pwersahang binuksan ng mga kasamahang mga NBI ang malaking pinto.

"Walang gagalaw, mga NBI ito." Biglang anang grupo nila Renan na mga NBI. Dahil sa kabiglaan ay hindi nakahuma ang mga ito. Kaya bawat nakita nila ay agad nilang dinampot.

"Posetive." Ani Brexx ng makita nila ang mga palapurnalya sa loob ng warehouse. Maging ilang kilo ng mga droga ay nasamsam nila.

"Nandito po tayo ngayon kasama ng ating mga kapulisan kung saan isang tagong lugar ang pinagkukutaan ng mga sindikatong nagbibinta ng ilegal na druga sa buong kamaynilaan." Pagbabalita ng TV reporter.

"Ilang kilong ilegal drugs ang nasamsam ngayon ng ating mga kapulisan. Hindi rin nakapalag ang mga drug pusher dahil huli sila sa akto." Pagbabalita ng reporter.

SAMANTALA habang nakaupo si Gemalyn sa kanyang silid ay biglang tumunog ang tawagan niya. Kunot noo naman niyang sinagot ito dahil unknown number ang tumatawag.

"Hello, who is this?" Tanong niya agad dito. "Hey! It's me Hannah." Sagot ng nasa kabilang linya.

"Oh! Bakit napatawag ka?" Matamlay nitong tanong. "Wala lang, gusto ko lang mangumusta." Ani Hannah sa kabilang linya. Napaarko naman ang kilay ni Gemalyn sa narinig.

"At sa lagay na yan, may gana ka pang mangumusta after ng ginawa mo. Ng dahil sayo e nabaon sa utang ang magulang mo at pati ako na walang kinalaman e nadamay. Sana ikaw yung nasa setwasyon ko ngayon. Naging fiance ko ang lalaking hindi ko gusto dahil sayo. Tapus tatawag-tawag ka para mangumusta. Bullshet. Wag mo ako matawag tawagan. At wag kang felling close dahil kahit kailan ay hindi tayo naging close at hindi rin tayo magiging close in the future." Ani Gemalyn sabay patay niya ng tawagan.

Nanggagalaiti niyang itinapon sa kama niya ang cellphone sabay sabunot niya ng buhok. "Kung mamalasin ka ba naman kasi." Anito sa isip.

"Aaaahhhh...!" Biglang tumili si Gemalyn dahil sa inis nito. Nagkataon kasing nagset ng dinner date ang ina ni Hannah para sa kanya at ni Marlon. Kahit kailan talaga e hate niya ang ina ni Hannah dahil may pagkasosyalera ito kaya sila nabaon sa utang.

"Princess, are you okay?" Anang kanyang ama na pumasok sa loob ng silid niya. Hindi niya ito narinig na kumakatok pala sa labas ng kwarto niya. Mabilis naman siyang umiling bilang sagot sa tanong ng ama.

"Don't worry, magiging maayos din ang lahat. Act like normal. And trust me, ngayong araw kayong unang magkikita at huling araw na magkikita." Makahulugang anang kanyang ama na ipinagtaka niya.

"Pa, what you mean?" Naguguluha nitong tanong. "Basta, magtiwala ka lang." Anang ginoo.

"Sige na, lumabas kana at nasa labas na ang sundo mo." Imporma ng ginoo. Agad naman tumalima si Gemalyn. Ngunit naguguluhan talaga siya sa kinikilos ng kanyang ama. Pero ipinagsawalang bahala na lang niya ito.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon