Rated SPG
.
.
.
PAGDATING nila Andrie ng bahay ay agad siyang sinalubong ng nobyang nag-aalala. Tama nga siya, hindi ito mapapakali hanggat hindi siya nakakabalik ng bahay."Hey! I'm home. So, no need to worry now." Malambing niyang turan dito. "Hindi mo ako masisi kung mag-alala ako sayo. Nangyari na sayo yun nung puntahan niyo ang rest house ni Marlon. Kaya natatakot na akong baka meron na naman mangyari sayong hindi maganda." Nanunubig ang gilid ng mga mata nitong aniya sa nobyo na agad siyang hinapit sa baywang.
"I'm fine. At may kasama naman kaming mga police sa pinuntahan namin." Anitong kinanganga ng dalaga. "Ano?" Namutawi sa bibig nito.
"Meron lang akong ipinahuli sa mga police. Kaya tayo pumunta dito sa LA. Ginawa ko iyon para sa kaligtasan ng pamilya natin. Ayaw kung mapahamak pati kayo ni Christine. Mahal ko kayong dalawa. Kaya gagawin ko ang lahat maprotektahan lang kayo." Paliwanag nito.
"Andrie, hindi kita maintindihan." Naguguluhan nitong aniya. Agad naman siyang inakay ni Andrie sa isang upoan. Naupo doon si Andrie at agad niyang kinandung ang nobya.
"Natatandaan mong tinatawag ko si Troy habang natutulog ako?" Tanong nito. Agad naman tumango si Gemalyn. "Diba nasabi ko sayo kung ano ang nangyari sa kanya?" Muli naman itong tumango.
"Kaya siya nagkaganun ay dahil ipanagulpi siya ng stepmother ng girlfriend niya. At yung girlfriend niya ay nasa mental hospital naman dahil nasiraan ng bait. At ang may magawa ay yung stepmother niya at stepbrother. Akala kasi nila ay makukuha nila ng perang nakapangalan sa girlfriend ni Troy kung mawala ito sa landas nila. Pero nagkamali sila." Anito.
"And then, yun stepbrother ng girlfriend ni Troy ay isang gay. At hinahabol ako nun. Of course ayaw ko sa kauri ko. Kaya tinakbuhan ko dahil ayaw ko ng gulo. Pero yung nanay niya ang nagpapahiwatig ng panggugulo. Sa katunayan ay pinadala niya si Lucy para iblock mail ako. Kaso, hindi nagtagumpay ang plano nila. Kaya, ayun pinahuli ko sila. Nasa police deparment sila ngayon at hindi makakalabas doon hanggat wala akong pahintulot." Paliwanag nito.
"Aw. Buti nga sa kanila yun. At baka ako pa ang tumurok sa kanila para mabaliw sila. Wala akong plano na pahawakan sa isang bakla ang abs mo. Akin lang yan. No one can touch it. I swear I'll cut there hand off." Nakanguso nitong kinatawa ni Andrie. Dahil nagiging possessive girlfriend narin ito.
"Wag ka ngang tumawa. Dahil nagsasabi ako ng totoo. Hindi ako nagbibiro---
Hindi na nito natapus pa ang sasabihin ng bigla siyag siilin ni Andrie ng halik. Kaya wala itong nagawa kundi ang hindi tugunin ito.
"I love you." Anito ng maghiwalay ang kanilang mga labi. "I love you, too." Tugon naman nito habang nakapulupot ang dalawa niyang kamay sa batok ng nobyo.
"Mommy. Daddy." Bigla naman silang napalingon sa humahangos nilang anak. Halatang tumakbo na naman ito. Basa pa ang buhok nito at nakasuot lang ito ng swim suit.
"Baby, sino ang kasama mong nagswimming?" Tanong agad dito ni Andrie. "Si tito Calex, Daddy. Si tito Ryeo kati....lagi niya tinatabi ang....pitungpot pitong puting pating." Anito.
"Wow! Ulitin mo nga princess, yung binabanggit ng tito Ryeo mo." Ani Andrie dito. "Pitungpot pitong puting pating." Pag-uulit nito. Kaya pinanggigilan itong halikan ni Gemalyn sa pisngi.
"Ang galing-galing talaga ng baby namin." Kumento dito ni Gemalyn. "Mommy. Daddy. Tinuruan ako ni tito Calex magswimming. Tapus, tinuruan pa niya ako ng ganito." Pagkwekwento nito sabay pakita nito kina Andrie at Gemalyn kung ano ang tinuro sa kanya ng tito Calex niya.
"Haaa.....yaaaahhhh!" Napabilib naman ang dalawa ng makita nila kung paano sumipa si Christine sa ere. Sa mura nitong edad ay makikita mo ang galing nito sa karate.
BINABASA MO ANG
Me And The Bastard Billionaire(Completed)
ActionAndrie Dela Rosa➡Certified Playboy. "She's mine. And don't dare to touch her. I swear I will kill you."