Chapter 28

29.4K 878 901
                                    

LUMIPAS ang mga buwan at sumapit ang pinakahihintay nila Andrie at Gemalyn. Ang araw na mag-iisang dibdib sila sa harap ng dambana.

Habang hinihintay nila Andrie sa simbahan ang pagdating ni Gemalyn ay hindi maipinta ang mukha niya dahil sa mga kaibigan niya. Pinagtatawanan kasi nila ito dahil daig pa nito ang pusang hindi mapaanak.

"Tangina niyo." Pabulong nitong aniya. "Hep. No bad words, bro. Nasa simbahan tayo." Ani Jeb sa kanya. "Pake niyo ba." Sagot nito.

"Bro, calm down. Darating ang bride mo. Pinalubo muna nga ang tiyan nun e." Saad pa nila sa kanya. Pero tila hindi parin nakatulong ito sa kanya.

Naasar kasi ito dahil tatlong araw din niyang hindi nakita ang nobya. Gumagaan lang ang pakiramdam niya kung dinadala nila sa kanya si Christine. Pero nangungulila talaga siya kay Gemalyn.

"Bro, umayos ka. Nandyan na ang bride mo. At ngumiti kana kung ayaw mong maging ganyan ang mukha mo sa tanang buhay mo habang magkasama kayo ni Gemalyn." Paninirmon sa kanya ni Frank. Kaya bigla namang lumambot ang mukha niya sabay kamot niya ng ulo.

Agad na pumailanglang ang tugtug kasabay nito ang pagmartsa ng mga first sponsor sa kasal nila. Matapus ang pagmartsa ng mga firts sponsor ay sinundan ito ng bride.

Agad na naglakad si Gemalyn kasabay ng tugtug. Magkahawak kamay sila ni Christine na naglalakad habang nakatingin sila sa naghihintay na si Andrie.

Habang nakamata si Andrie sa kanyang nobya ay halos di na siya kumurap pa. Kung pwede lang siguro niya itong hilain na upang mahawakan at mayakap ay ginawa na niya.

Dahil sa lutang si Andrie ay hindi niya namalayang nasa harapan na pala niya ang mag-ina niya. Kung hindi pa hinila ni Christine ang suot niyang black american suit ay hindi magigising ang diwa niya.

"Hijo, take care of them. Pakamamahalin niyo sana ang isa't isa at ang mga anak niyo." Anang ama ni Gemalyn. "Thank you, Papa." Agad na humalik si Gemalyn sa kanyang ama't ina bago niya inabot ang kamay ni Andrie.

"Thank you, tito, tita. Ayaw ko pong mangako sa inyo. But I will do my best for my family." Anito sa ginoo na agad naman siyang tinapik sa balikat.

"Princess, come here." Aya ni Calex kay Christine. "Ayaw, dito lang ako." Anito sabay pulupot niya ng dalawang kamay sa mga hita ni Andrie. Kaya natawa nalang silang lahat. Kaya ng humarap sa paring magkakasal sa kanila sina Andrie at Gemalyn ay nasa paanan nila si Christine.

"We are gathered here today in the presence of these witnesses, to join Andrie Dela Rosa and Gemalyn Marquez in matrimony commended to be honorable among all. And therefore is not to be entered into lightly but reverently, passionately, lovingly and solemnly. Into this.....these two persons present now come to be joined. If any person can show just cause why they may not be joined together, let them speak now or forever hold their peace." Anang pari.

"Father, ano po sabi niyo? Ang haba po kasi parang ganito." Ani Christine sabay dipa niya ng kamay na kinatawa nilang lahat na naroon.

"Ang sabi ko ay nandito tayo ngayon para samahan ang pag-iisang dibdib ng iyong ama't ina. At kung may tutul man dito ay maari ng magsalita o mananahimik na lang habang buhay." Paliwanag ng natatawang pari.

"Ganun po pala yun, ako po meron request muna." Anito. Nagkatinginan naman sina Andrie at Gemalyn. "Sige, ano yun anak?" Tanong naman sa kanya ng pari.

"Sabi ko po kasi na gusto ko ng little brother. Tapus naisip ko po, dapat meron din ako little sister. Para po kung magschool na ako ay meron kasama si Daddy at meron din kasama si Mommy." Bibo nitong aniya.

"Okay! Princess, gagawin namin ng mommy mo ang makakaya namin para magkaroon ka rin ng little sister." Ani Andrie na natatawa. Ang kaba niya ay biglang nawala dahil sa anak nila. Si Gemalyn naman ay biglang pinamulhan ng mukha dahil sa mag-ama niya. Habang tumatagal kasi ay nakukuha na talaga ni Christine ang ugali ni Andrie.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon