The Finale
.
.
.
LUMIPAS ang mga taong nanatiling matatag ang pagsasama nila Andrie at Gemalyn. Hawak kamay nilang pinalaki ang mga anak nila ng pantay-pantay. At kung paano nila minahal si Christine noon ay mas lalo pa nilang ipinakita dito kung gaano nila ito kamahal."Princess, what's wrong?" Tanong agad ni Andrie kay Christine ng makita niya itong pumasok mula sa labas ng bahay nila. Agad naman itong humalik sa kanya sabay iling at naupo sa tabi niya. Ng makita ni Gemalyn ang mag-a niya ay nagtatanong naman ang mga mata nito. Kaya nagkibit balikat agad ito bilang sagot.
"Anak, anong problema?" Tanong naman ni Gemalyn kay Christine. "Nothing, Mum." Sagot nito.
"Halika ka nga." Agad naman itong lumapit kay Gemalyn kaya agad niya itong niyakap. "Sige na sabihin mo kay mommy kung anong nangyari. Makikinig si mommy sayo." Malambing niyang aniya na kinahinga ni Christine ng malalim.
"Eh! kasi....mum, meron po nambully sa akin sa school. Ang sabi po nila ay hindi naman daw ako totoong Dela Rosa. Alam ko naman po yun. Pero hindi ko lang po mapigilan ang hindi masaktan." Nakayuko nitong paliwanag.
"Aw. Ang dalaga ko," naisatinig agad ni Gemalyn. "Anak, wag mo silang pansinin. Dahil wala naman silang alam. Ang isipin mo ay mahal na mahal ka namin ng daddy mo. At yung pagmamahal namin sa inyong magkakapatid ay pantay-pantay iyon." Saad nito.
"Come on, ngingiti na ang dalaga ko." Paglalambing dito ni Gemalyn na nagpangiti naman kay Christine.
"Ang bugoy at bugay natin honey, dumating." Imporma naman ni Andrie sa kanya. Agad naman napatingin sa mga ito si Gemalyn at Christine.
"Shiloh, ano yang nasa damit mo?" Gulat na tanong dito ni Gemalyn. "Mum, kitchup po." Nakapeace sign nitong sagot.
"Ate, okay ka lang?" Tanong naman ni Shawn kay Christine. Mabilis naman itong tumango. "Don't worry, hindi ka na mabubully ng mga iyon ate. Dahil tinakot ko sila." Anito.
"Shawn, ano naman ang ginawa mo. Iinatin ko yang tainga mo kapag may sinuntok ka sa school niyo." Sita naman nito sa lalaki nilang anak. "Mum, hindi ko po ugaling manuntok ng babae. Dad, never teach me like that." Mabilis nitong sagot.
Proud naman sa narinig si Andrie. Ayaw kasi ni Andrie na manakit o manluko ng babae ang nag-iisa nilang anak na lalaki. Lagi niyang ipinapaalala ditong isipin na lang nitong meron siyang dalawang kapatid na babae. Hahayaan ba niyang lukuhin din ang mga ito. At syempre mabilis nitong sagot kay Andrie ay hindi. Hindi daw nito hahayaang meron manluko sa mga kapatid niya.
"Yes Mum. Walang ginawa si kuya. Promise." Singit naman ni Shiloh. "Fine. At ikaw bakit meron kitchup yang damit mo. Next time ay uutusan ko si manang na ikaw ang paglabahin niya ng mga damit mo." Pananakot naman nito kay Shiloh.
"Mommy, naman. Sorry na po. Ngayon lang naman ito. Kasi naman nainis kami doon sa mga mukhang kalansay na yun. Wala silang karapatan para i-bully si ate. Ate ko yan mum at kapag meron nagsabi sa kanya ng hindi maganda ay makakatikim sa akin." Paliwanag naman nitong kinatampal ni Gemalyn ng noo. Kung noon ay subrang kulit ni Christine ay tinalo siya ng mga kapatid niyang subrang matitigas ang mga ulo.
"Mabuti nga pinaliguan lang namin sila ng spaghetti. Next time ay ingungud-ngud namin ang mga mukha nila. Nang mabawasan naman ng insecurities nila sa katawan." Mataray na pagkwekwento naman ni Shiloh.
"Honey, yun naman pala. Ipinagtanggol lang nila ang ate nila." Sansala ni Andrie sa asawang napailing. "Oo, na. Pero, next time ayaw kung nakikipag away kayong dalawa. Sa inyo talagang magkakapatid e kayong dalawa ang matigas ang ulo. Nagmana talaga kayo sa daddy niyo." Ani Gemalyn na kinakamot ni Andrie.
BINABASA MO ANG
Me And The Bastard Billionaire(Completed)
ActionAndrie Dela Rosa➡Certified Playboy. "She's mine. And don't dare to touch her. I swear I will kill you."