DAHIL sa ginawang pagtatago ni Marlon sa mga autoridad ng puntahan ng mga ito ang bahay niya ay kaya naman mas lalo nila itong pinaghinalaan. At isa sa mga warehouse na pag-aari nila Marlon ang muli ring nilusub ng mga NBI. At dahil natunugan ng mga ito ang pagdating ng mga autoridad ay nagkaroon ang dalawang panig ng putukan. Naunang nagpaputok ang mga tauhan ni Marlon kaya ginantihan rin ito ng mga kapulisan.
"Bang bang bang"
"Mga putang inang mga demonyo na 'to." Mura ng mga kapolisan na gumaganti ng paputok sa mga tinutugis nila.
"Aaaaahhhhh." Biglang hiyaw ng nasa kabilang panig ng kapulisan nang tamaan ito sa binti.
"Mga gago, kung ako sa inyo ay sumuko na lang." Sigaw ng isang police sa mga ito.
"Marami ang kalaban nating mga police. Anong gagawin natin?" Tanong ng isa sa mga kasamahan nito. "Gago, hindi tayo susuko sa kanila. Ayaw kung pumasok sa loob ng silda." Sagot naman ng isa sabay paputok nito.
"Aaaaahhh! Ayaw ko pa pong mamatay." Takot na takot na anang isa sa mga ito ng tamaan ng isang police sa balikat. "Tang ina mo, para kang bakla. Daplis lang iyan." Anang mga kasama niya na nakikipagpalitan ng putok nang baril sa mga kapulisan.
"Kailangan natin makalabas dito bago tayo maubos ng mga police na 'to." Anang pinaka leader ng mga ito. "Sa likod tayo dadaan." Utos nito. Mabilis naman ang mga itong nagtungo sa likod ng warehouse kung saan ang secret exit.
SAMANTALA habang nakaupo si Marlon sa terrace ng rest house niya ay biglang lumapit sa kanya ang isa sa mga tauhan niya. "Boss, hinuli po ng NBI si madam secretary." Imporma ng tauhan ni Marlon sa kanya. "Hayaan niyo siya. Kaya naman niya ang sarili kung paano dumiskarte." Tangi nitong sagot. Kaya agad din siyang iniwan nito.
"Bakit ba nagsulputan kayong lahat." Naiinis nitong aniya.
Maya't maya ay biglang tumunog ang tawagan niya. Agad naman niya itong sinagot ng makita ang tumatawag.
"Hello, Eloisa." Bungad niya dito. "Nasaan ka? Meron mga police na pumunta sa opisina mo at nagsearch sila dito." Ani Eloisa kay Marlon.
"I can't tell you. Pero, don't worry I'm fine. Ikaw, okay ka lang ba?" Napataas naman ang kilay ni Eloisa sa narinig. "Yeah! I'm fine." Tipid nitong sagot.
"Good. Pwede ka bang makita?" Anito sa kausap. "Why?" Taka namang tanong ni Eloisa.
"Dahil namimiss kita." Ani Marlon na kinatirik ng mata ni Eloisa. "Namimiss daw, sinusumpong ka lang ng kalibugan mo," anito sa isip. "Sure, pumunta ka sa bahay ko. Pero wag kang magdala ng bodyguard mo. Baka makita ka ng mga police at hulihin ka nila." Saad sa kanya ni Eloisa.
"Okay! Okay! Pupunta ako dyan ng walang bodyguard." Pagtalima nitong kinangiti ni Eloisa. "Ganyan, halika dito at ako ang maghahatid sayo sa dapat mong kalagyan." Ang nakangiting ani Eloisa sa isip.
"Boss, saan po kayo pupunta?" Tanong ng taohan ni Marlon ng makita siya nito. "May pupuntahan ako, kaya kayo ay dito lang." Utos niya sa mga ito.
"Pero, boss---
---walang pero-pero, dito lang kayo." Putol niya sa sasabihin sana ng mga ito.
"Pero, boss. Delikado talaga kayo ngayon lumabas. Dahil pinuntahan ng mga NBI ang isa sa mga warehouse natin at nagkaroon ng engkwentro sa pagitan ng mga tao natin doon at ng mga police." Paliwanag ng tauhan niya sa kanya na siyang kinaupo ni Marlon.
Muling kinuha ni Marlon ang tawagan niya at tinawagan nito si Eloisa. "Sweet heart, hindi ako makakapunta ngayon dyan. Hindi ako pweding umalis dito sa kinalalagyan ko." Paliwanag nito agad ng sagutin ni Eloisa ang tawag niya.
BINABASA MO ANG
Me And The Bastard Billionaire(Completed)
ActionAndrie Dela Rosa➡Certified Playboy. "She's mine. And don't dare to touch her. I swear I will kill you."