Chapter 29

32.2K 936 883
                                    

LUMIPAS ang mga buwan mula ng magpakasal sina Andrie at Gemalyn. Walang masabi sa asawa niya si Gemalyn, hands-on ito bilang padre de pamilya. Kaya nagpapasalamat si Gemalyn at ipinagkaloob sa kanya ng Poong maykapal ang asawa.

At sa paglipas ng mga araw at buwan ay wala na rin nabalitaan sina Andrie kay Marlon. Mukhang nanahimik na ito sa kulungan. Maging ang ilan nitong galamay ay nahuli na rin. At ang iba ay nagpakalayo-layo na siguro sa takot na kung hindi man sila mahuhuli ay baka mapaaga silang paglalamayan.

"Andrie, umayos ka nga. Kanina ka pa." Sita ni Gemalyn sa asawa habang hawak-hawak nito ang tiyan. "Honey, I'm just worried. Kanina ka pa lakad ng lakad." May pag-aalala nitong turan.

"Look, hubby. Ako ang manganganak hindi ikaw. At alam ko ang ginagawa ko. Nakalimutan mo na bang isa akong OB." Pagpapaalala niya sa asawa na napakamot ng ulo.

"Oh! God. Anak, bakit yang damit ng daddy mo ang suot mo?" Tanong nito kay Christine ng makita niya itong nakahawak sa likod ni Andrie. Bahagya naman itong sumilip kay Gemalyn sabay pacute nito.

"Mommy, kasi po para paglabas ni baby ay makita nito itong damit ni Daddy. Ipapakita ko itong nasa picture. Para pagkauwi ng bahay ay manonood kaming tatlo. Diba Daddy." Anitong kinailing ni Gemalyn.

Hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa sa kanyang mag-ama. Si Christine naman ay nagmumukha itong pinguen sa suot nitong damit at meron itong picture ng Deadpool.

"Aaahh." Biglang nahawakan ni Gemalyn ang tiyan niya ng maramdaman niyang mukhang lalabas na ang nasa sinapupunan niya. Agad naman itong inalalayan ng natatarantang si Andrie.

"Hubby, calm down. Ako ang buntis. Ako ang manganganak. Kaya take a breath." Pagpapakalma nito sa asawa. "Ngayon, maghintay ka dyan sa labas ng delivery room. Bantayan mo na lang itong anak natin." Habilin nito kay Andrie na wala sa sariling napatango.

Agad naman pinatawag ni Gemalyn ang doktor na magpapaanak sa kanya. Ang mga nurse naman ay hinanda nila ang loob ng delivery room.

Pagkapasok ni Gemalyn sa loob ng delivery room ay lakad upo ang ginagawa niya sa labas nito. Maging si Christine ay ginagaya ang ginagawa ni Andrie. Kung tatayo siya ay tatayo rin ito. Kung uupo siya ay uupo rin ito.

Lumipas ang oras ng lumabas doktor ni Gemalyn. Agad naman itong sinalubong ni Andrie na puno ng takot ang dibdib.

"Kumusta ang mag-ina ko?" Tanong nito agad. "Wala kang dapat ikabahala dahil maayos ang panganganak ng asawa mo Mr. Dela Rosa," anang doktor na kinahinga ni Andrie. "Pakibigay na lang ang gamit ng mga anak mo sa mga nurse na aasikaso sa mga ito. At hintayin niyo na lang si Mrs. Dela Rosa sa magiging room niya." Anang doktor na kinatigil ni Andrie.

Tila nawalan ng imik saglit si Andrie. Nagtataka kasi ito kung bakit sinabi ng doktor na mga anak. Ang alam kasi niya ay iisa lang ang isisilang ni Gemalyn. Naisip niya ay baka namali lang ang doktora sa tinuran.

"Ito po ang mga gamit." Sabay abot niya ng dalang bag. Tila kinakabahan naman iyon inabot ng isang nurse sa kanya.

"Boss, are you okay?" Bigla siyang napalingon ng tapikin siya ni Calex. "O-oo, I'm fine. Let's go. Princess, hintayin daw natin ang mommy mo sa room niya." Yakag nito kay Christine na agad humawak sa kamay niyang nakalahad.

Nang marating nila ang magiging kwarto ni Gemalyn habang nasa hospital ito ay tamang-tama namang pinapasok ito doon. Kaya dali-dali silang pumasok sa silid.

"Ayos lang ba ang asawa ko?" May pag-aalala nitong tanong sa mga nurse na umaasikaso sa asawa niya hanggang sa mailipat nila ito sa magiging hospital bed niya.

"Yes, sir. Ayos lang po si doktora. Maya-maya po ay magigising na siya. Dala lang po ng pagud kaya siya nakatulog but she's fine." Paliwanag ng nurse sa kanya. Nakahinga naman siya ng maluwag sa narinig.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon