DAHIL sa nangyaring pagkapahiya ni Marlon ay nanggagalaiti ito sa galit ng makauwi. Kung pwede lang siguro nito hawakan sa leeg si Andrie ay ginawa na niya. Hindi nito matanggap ang ginawa sa kanya nito.
"Hanapin niyo ang lalaking iyon at dalhin niyo sa akin si Gemalyn." Galit nitong utos sa mga taohan niyang napakamot ng ulo. "What?" Sigaw nito.
"Ano kasi, boss. Yung lalaki ay si Andrie Dela Rosa." Anang isa sa mga taohan. "Eh! Kilala niyo naman pala e di puntahan niyo at magdala kayo ng police. Bawiin niyo sa kanya si Gemalyn." Pasigaw nitong utos.
"Boss, mahirap po yun. Dahil hindi po basta-basta napapasok ng ibang tao kahit magsama ka pa ng police ang subdivision nila. At isa siya sa tinaguriang secret billionaire ng bansa." Nakayukong paliwanag naman ng isa sa mga taohan niya.
"Bullshet." Malutong nitong aniya. "May araw ka rin at magtutuos tayo." Anito na siya namang pagtunog ng tawagan niya.
"Who is this?" Tanong niya agad dito ng makita niyang unknown number ang tumatawag.
"Ang taong puputol ng kahayupan mo. Kaya maghanda kana dahil malapit na matapus ang masasayang araw mo at titira kana sa rehas bakal ang dingding." Anang kausap niya.
"Wag ka lang magkakamaling magpakita sa akin ulit dahil ako mismo ang maghahatid sayo kay kamatayan." Galit nitong turan na tinawanan lang ng kausap niya.
"Nhaaaa....ako ba ang tinatakot mo? You choose the wrong person Sunega. Dahil hindi ako natatakot kay kamatayan. Dahil lahat naman tayo ay doon rin ang pupuntahan. Pero ang kaibahan lang natin ay kung sakaling mamatay man ako ay segurado akong papunta ako sa langit. Pero ikaw, I'm sure your going to hell. Dahil sa dami ng inutang mong buhay sa mundong ito." Ani Andrie sa kanya na mas lalong kinagalit ni Marlon. Pakiramdam niya ay nag-akyatan sa ulo niya ang lahat ng dugo niya sa katawan.
"You, morron. Ibalik mo sa akin ang fiance ko." Galit nitong aniya sa kausap. Tinawanan naman siya nito ng pagak. Tila mapang uyam ang tawa nito dahil sa tinuran ni Marlon sa kanya.
"Ayaw ko. Para ano na ibalik ko siya o ibigay sayo. She's mine. And don't dare to touch her. I swear I'll kill you." Galit ring aniya ng kausap ni Andrie. Sa inis at galit niya ay bigla niyang ibinato ang cellphone niya.
"Boss." Tawag ng taohan niya sa kanya. "What?" Galit nitong tanong.
"May nagpapabigay po nito sa inyo?" Sabay abot nito ng brown envelope kay Marlon. Ng buksan niya ito ay puro picture niya ang laman habang may kasama siyang babae.
"Good luck Sunega. Malapit kana uusigin ng mga kasalanan mo. Sa pagpatay mo sa mga inoseteng tao dahil sa kasakiman mo. Sa pambababoy mo sa mga kabataang kapos sa buhay. Lahat lahat ay babalik ngayon sayo para singilin ka. Kaya ihanda mo ang sarili mo at baka hindi mo kayanin sa rami ng pinagkautangan mo." Basa niya sa sulat na napaloob kasama ng mga larawan niya.
"Tangina." Agad niya itong ibinato bago siya umalis at nagtungo sa kwarto niya. Mabilis siyang pumasok sa kwarto niya at pumasok sa banyo. Doon ay agad siyang nagbabad sa tapat ng shower.
Makalipas ang halos mag-isang oras na pagbabad niya sa loob ng banyo ay saka siya nagpasyang lumabas. Habang nakatapis lang siya ng towel ay agad nitong binuksan ang drawer niya at kinuha niya doon ang bagay na ginagamit niya. Agad itong naupo bago niya sinimulang humithit ng bato.
"You don't know me, hindi niyo alam kung ano ang kaya kung gawin. Kaya humanda kayong lahat at ihahatid ko kayo sa dapat niyong kalagyan." Ani Marlon sabay tawa nito.
"Tok tok tok"
Halos gibain na ng kumakatok sa labas ng pinto nang kwarto ni Marlon ang pintuan na kinakunot ng noo niya.
BINABASA MO ANG
Me And The Bastard Billionaire(Completed)
ActionAndrie Dela Rosa➡Certified Playboy. "She's mine. And don't dare to touch her. I swear I will kill you."