LUMIPAS ang mga araw mula ng makabalik ng Pilipinas sina Andrie ay masasabi mong happy family sila. At dahil alam ni Andrie na okay na ang lahat ay kaya naman nagpagdesyonan niyang gawin ang isang bagay para sa nobya.
"Anong meron?" Bawat dumarating sa mga kaibigan ni Andrie sa bahay niya ay ganun ang tanong. Naiiling na lang siyang pinapatuloy ang mga ito sa loob kung saan idadaos ang pinahanda niyang okasyon.
Lahat ng invited sa naturang party ay pawang mga kaibigan at kapamilya lang nila. At ang lahat ay nagtatanong kung anong meron at naghanda ito ng isang party. Ngunit ang lahat ay walang makuhang sagot mula kanya maging sa mga taong nasa bahay niya.
"Ryeo, bakit nagpaparty ang pinsan ko? Magsabi ka kundi ibabalik kita ng Greece." Pananakot ni Frank kay Ryeo.
"Boss, naman. Wala akong alam kung bakit nagpaparty ang bakulaw na yan. Busy ako sa pag-aaral ng Tagalog. Kahit tanongin mo itong si Calex, wala rin alam." Kakamot-kamot nitong aniya.
"It's that right?" Ani Frank. "Geez. Wala nga akong alam." Anito.
"Hey! Bro, how are you?" Bigla naman tinapik ni Yugene sa balikat si Calex. "I'm good." Tipid nitong sagot.
"Wala ka bang planong kausapin siya?" Tanong ulit dito ni Yugene. Napabuntong hininga naman ito sabay tingala sa kawalan. "I don't know. Wala naman akong alam sa kanya. Nabuhay akong walang alam sa kanya. Kaya mabubuhay parin siguro akong hindi siya kinakausap." Seryoso nitong aniya sabay napalingon ng may biglang pumulupot sa baywang niya habang nakapatong sa balikat niya ang mukha nito.
"Don't be mad of him. Ako nga maraming tao ang humusga sa akin. Dahil wala akong tatay na maipakilala o maituro. Pero hindi parin ko nagdamdam sa kanya. Hinanap ko na lang siya at inalam kung bakit wala siya mula ng lumbas ako sa mundong ito. Masakit, pero tinanggap ko ang totoong dahilan. At nagpasalamat parin sa kanya dahil kung wala siya ay wala rin ako sa mundong ito." Paliwanag nito kay Calex.
"Hindi ko alam. Maybe, not now. I'm not yet ready." Sagot nito. "Okay. Kung gusto mo ng kausap, nandito lang ako. At alam mo kung saan ang bahay ng asawa ko. Makikinig ako sayo. No matter what happened, I'm your sister." Anang kausap ni Calex. Bahagya naman niyang ginulo ang buhok nito sabay ngiti ng tipid.
Ang ibang naroon ay nagtatanong kung ano ang usapan ng mga ito. Hindi nila maintindihan ang mga ito.
"Mukha niyo, mga chismuso." Nakangusong ani Nicole sa mga ito. "Eh! Ano mo ang lalaking yan?" Halos panabay na tanong ng mga ito.
"We.....are sibling." Sagot naman ni Calex sa kanila.
"Oh! So, magpipinsan kayo?" Sabay turo ni Blake kina Yugene, Chase, Tristan Brexx at sa mga Guerrero na invited din sa okasyon. Natatawa naman ang mga itong kinamayan si Calex.
SAMANTALA habang nag-aayos si Gemalyn dahil sa party na idinaos ngayon ng nobyo ay panay naman ang hikab niya. Parang mas gusto na lang niyang matulog. At nagiging sensetive rin ang pang-amoy niya. Pero, hindi na iyon bago sa kanya. Alam niya kung bakit siya nagkaganun.
Maya't maya ay napangiti siya. "Maybe, ito ang tamang oras to tell him." Anito sabay sipat niya ng sarili sa harap ng salamin.
Matapus mag-ayos ni Gemalyn ay saka ito lumabas. Tamang-tama paglabas niya ay nakasalubong niya ang mag-ama niya.
"Wow! Beautiful. Mommy." Ani Christine na kumikislap ang mga mata. "Mana sa daddy. Bolera na rin baby ko." Ani Gemalyn dito.
"I'm not, Mommy. Diba Daddy, ang ganda-ganda ni Mommy." Paghingi nito ng pagsang-ayon kay Andrie.
"Yes Princess, your mom is beautiful. And she is the only woman I love and I want to spend my whole life with her." Seryosong ani Andrie na kinangiti ni Gemalyn.
BINABASA MO ANG
Me And The Bastard Billionaire(Completed)
ActionAndrie Dela Rosa➡Certified Playboy. "She's mine. And don't dare to touch her. I swear I will kill you."