Chapter 17

33.9K 981 545
                                    

HABANG magkayakap sina Andrie at Gemalyn ay biglang bumukas ang pinto. Agad bumungad sa kanila ang nakangiting si Christine. Agad naman itong binuhat ni Andrie at hinalikan naman ito ni Gemalyn sa kamay.

"Mommy, Daddy. Tapus na po ako kumain ng breakfast." Pagbabalita nito sa dalawa. "Um. Sinong nagpakain sayo?" Curious namang tanong ni Andrie.

"Sina tito po. Kain ako ng pandisal." Bibo nitong sagot. "Wow! Good girl. Kaya dapat kain ka ng marami para mabilis kang maging big." Saad dito ni Andrie.

"Okay Daddy. Pero gusto ko ng little brother." Anito. Nagkatinginan naman ang dalawa. "Soon, baby." Pilyo nitong sagot kay Christine. Nagningning naman ang mata ng bata sa naging sagot ng ama.

"Mommy, tabi nga po pala ng gear-prend ni tito JB ay punta tiya dito. Tapot, kukurutin ka niya ta tingit." Sumbong nitong kinakunot naman ng noo ni Gemalyn.

"Sinong girlfriend ng tito mo, baby?" Taka nitong tanong. "Ti tita Joan po. Tabi kati niya noon daw di mo gusto si Daddy. Taput ngayon boyplen muna si Daddy. Kaya madami ka daw ikwekwento sa kanya." Anitong kinalaki ng mata ni Gemalyn.

"So, hindi pala gusto ni mommy si daddy noon?" Nakangising tanong ni Andrie sa anak na mabilis naman tumango. "Hays! Maligo ka na nga muna doon. Akin na si ten-ten ng mapaliguan ko muna bago ako maliligo." Ani Gemalyn sabay kuha niya kay Christine.

"Honey, sabay na lang tayong maligo." Ani Andrie sabay kindat niya sa dalaga na mabilis naman siyang pinandilatan. "Kung pwede lang naman." Dagdag pa nito.

Naiiling itong tinalikuran ni Gemalyn kasama si Christine na dinala niya sa silid nito upang paliguan. Ng maratimg nila ang silid ni Christine ay agad niya itong dinala sa loob ng banyo at pinaliguan.

Matapus niyang paliguan si Christine ay agad din niya itong binihisan. "Hmmmp....ang bango-bango na ng baby namin." Ani Gemalyn sabay pinaghahalikan niya ito. Napapahagilhik naman ito habang hinahalikan siya ni Gemalyn.

"Sige, maliligo muna si mommy baby ha." Anito. "Okay. Punta ako kina tito, Mommy." Paalam naman nito.

"Okay. Pero mag-iingat ka sa pagbaba dyan sa hagdan. Wag kang tumakbo baka madapa ka." Habilin niya dito. Sunod-sunod naman ang pagtango nito.

Pagkaalis ni Christine ay saka pumunta si Gemalyn sa kabilang silid kung saan ang mga damit niya upang maligo.

SAMANTALA habang lakad upo si Lucy ay bigla naman tumunog ang tawagan nito. Ng makita niya kung sino ang tumatawag ay nagdalawang isip agad siyang sagotin ito. Ngunit kalaunan ay sinagot rin niya ito.

"Hello." Bungad niya dito matapus niya itong sagotin. "So, kumusta naman ang pinapagawa ko sayo?" Tanong ng nasa kabilang linya.

"We have a problem." Sagot nito. "Ano naman iyon?" Tanong ng kausap niya.

"May asawa't anak na siya. Kaya nahihirapan akong lumapit sa kanya." Anito sa kausap. "What? Imposeble yan. Paano siya magkaroon ng asawa't anak? Hindi ako naniniwala. Lucy, wag mo akong susubukan ha. Dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo. Tandaan mo kung anong kalagayan ng mama mo ngayon." May tunong pagbabanta ng kausap niya sa kanya.

"I'm not lying. May asawa't anak nga siya. Hindi ka siguro naga-open ng internet kaya hindi mo alam iyon. Try mong i-check ng makita mo." Naiinis nitong aniya. Ngunit hindi niya ito pinahalata sa kausap.

"Okay! Okay! But do something as soon as posible. Ayaw kung pinaghihintay ako ng matagal. Kung kinakailangan mong maging third party sa kanila ay gawin mo. Makuha mo lang ang ipinapagawa ko sayo." Utos ng kausap niya. Napasabunot naman ng buhok si Lucy sa narinig. Dahil paano naman niya iyon gagawin.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon