Chapter 25

31K 868 1K
                                    

DAHIL sa kaalamang buntis si Gemalyn ay muntik ng makalimutan ni Andrie kung bakit siya nagpaparty. Ngunit ng mahimasmasan ito ay agad itong lumuhod sa harapan ni Gemalyn na biglang napaawang ang mga labi.

"A-andrie." Sambit nito sa pangalan ng binata. "A-anong ginagawa mo?" Tanong nitong nalilito sabay tingin niya sa nakapaligid sa kanila.

"Before I met you, I never realized how empty my life was. But having you now by my side is what completes me. You are the one I wanted to find, to tell that I need you all my life." Anito. Hindi naman alam ni Gemalyn kung ano ang gagawin o sasabihin dahil sa tinuran ng binata.

"Can I keep you and never let you go? Can I hold your hand and hug you tight? Can I tell the world how lucky I am to have you in my life? or simply, can you be mine for the rest of my life?" Tanong nito sa nobya sabay labas niya ng pulang kaheta na naglalaman ng kumikinang na white diamond ring.

"Doktora Gemalyn Marquez, will you marry me?" Tanong nitong muli. Dahil sa emosyong hindi maipaliwanag ng dalaga ay sunod-sunod na pumatak ang butil ng luha sa kanyang mga mata. Maya't maya ay sumungaw ang munting ngiti sa mga labi ni Gemalyn sabay tango nitong kinangiti rin ni Andrie.

Agad na isinuot ni Andrie ang singsing sa kamay ni Gemalyn bago ito tumayo ng tuwid at sa isang iglap ay tinawid nito ang labi ng nobya.

"Ehmm....nandito pa kami Dela Rosa." Biglang tikim ni Elijah na kinatawa nila. Kaya namumula ang mukha ni Gemalyn na napayakap kay Andrie. "I love you, honey." Ani Andrie sa nobya na agad naman tumingala sa kanya.

"I love you, too." Ganti nito sa nobya.

"Ten-Ten, sama ka sa amin sa bahay. Sabi kasi nila tito kapag daw meron na baby sa tiyan ng mommy mo e dapat daw dagdagan. Kaya dapat solo ang mommy at daddy mo." Pabulong na ani Asher Jade kay Christine.

"Ganun ba yun?" Inosente naman nitong turan kay Asher Jade. Maya't maya ay tumakbo ito palapit sa kanyang ama.

"Daddy, doon muna po ako kina tito Axel. Kasi po tabi nila dapat dagdagan si baby. Kaya doon muna ako Daddy para mabilis lumaki si baby." Pabulong nitong aniya kay Andrie na natawa sa tinuran ng anak.

"Silly. Okay. Pero, wag kang makipag-away kay Asher Jade. Ayaw ng mommy mo iyon." Saad nito sa anak na mabilis nagthumbs up at kindat kay Andrie.

Nang lumapit si Axel sa kanila ay natatawa ito habang akay-akay niya si Asher Jade na nagthumbs up kay Christine. Ang mga anak nila ay mukhang iisa lang ang liko ng bituka.

"Sa amin muna itong Prinsesa niyo, bro." Ani Axel. "Sige, bro. Thanks. Dahil mukhang nagkasundo itong dalawa." Saad naman ni Andrie. Umakto naman si Asher Jade at Christine na walang alam. Pero makikita mo sa mukha nila ang kalukuhang tinatago.

"Give me five partner." Pabulong na ani Asher Jade kay Christine. Agad naman itong pinagbigyan ng isa. Kaya ng maging abala ang mga kasama nila ay tahimik namang naglaro ang mga ito.

"Bakit ba ayaw mo sa dinosaur?" Curious na tanong ni Asher Jade. "Ang pangit kasi. Ayaw ko doon. At isa pa hindi naman ako lalaki." Tila nakangiwi nitong aniya.

"Eh! Di maglaro ka na lang ng Barbie." Pilyo namang ani Asher Jade. "Duh! Ayaw ko rin doon." Nakasimangot nitong aniya.

"Eh! Di wag ka na lang maglaro kung ayaw mo." Tila matanda itong naiiling. "Pake mo ba." Bwelta naman dito ni Christine.

"Meron po akong pake kasi po, best friend kita." Sagot naman nito. "Good. Kaya manahimik ka na lang." Nagdudumilat nitong turan.

Lumipas ang oras ng magkanya-kanya ng uwian ang mga kaibigan nila. Ang lahat ay binati sila ng mga ito at masaya silang lahat para sa kanilang dalawa.

Me And The Bastard Billionaire(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon